Ally's Pov
I was wondering how is she,
Is she thinking about me?
Siguro nakalimutan n'ya na rin ako. Sino lang naman ba ako diba?
Aba, dapat panagutan n'ya nangyari samin.
Look who's talking kunwari hindi sya ang nang-iwan. Argh!!! Why I'm always bothering myself sa nangyari? Ito 'yong gusto ko diba? Na parang walang nangyari and it is just an experience nothing more nothing less. Of course it's imposible na magkita pa kaming dalawa.
Napatulala na lamang ako sa puting papel na nasa aking harapan. Wala pa akong maisip na outline at kahit theme man lang for my thesis. At ito ako iniisip pa rin ang nangyari three days ago. Kailangan kong mag-focus dahil individual ang thesis na 'to at ito na lang ang kailangan ko to graduate. Pero paano ba ako makafocus? Parang may kung anong mahika ang pumasok sa utak ko dahil hindi ko man lang makalimutan kahit ang mga ngiti n'ya.
"Namimiss ko amoy nya." Hindi ko inaasahang pabulong kong sambit. "arghhhhh!" ginulo ko ang aking buhok at ipinatong ang mukha sa mesa. "Nababaliw na ako." nanatiling nakapatong ang ulo ko sa mesa hanggang sa naramdaman ko ang antok.
Dali-dali kong iniabot ang ginantsilyong bandana na tatlong linggo kong tinapos. Kulay itim ito na may asul sa dulo. Asul na nagsagisag sa kapayapaan at katarungan na ipinaglalaban nito.
"Maraming salamat." Nakangiti nitong sambit. Inilagay ko ito sa kanyang leeg.
"H'wag mo sanang hayaan ang lamig na gabi bumalot sa iyo."
"'Wag kang mag-alala mahal, siguradong hindi na ako lalamigin sa ginawa mong bandana." masigla nitong sagot. Bumulong ito sa aking tenga na s'yang nagpatalon ng aking puso. "Napakaganda ng iyong mga ngiti, sanay h'wag mo itong hayaang kunin ng iba." ramdam ko ang paghinga nito sa aking leeg at ang kan'yang amoy na para bang dinuduyan ang aking ilong.
Humiga ito sa aking hita, nakangiti ito habang nakapikit ang kanyang mga mata. Napakapayapa itong tignan, na para bang hindi ipinagkait sa kanila ang kanilang bayan.
Ayoko nang mawala sa akin si Alejandro. Randam ko ang payapa. Kahit gaano pa kagulo ang aming mga mundo, lahat nang pangamba ay kayang takpan ng kan'yang paghinga.
Napangiti ako at hinagkan ang kanyang mga labi kahit nakapikit ang mga mata nito ramdam ko ang pag-ngiti ng kan'yang labi.
Iginalaw ko ang aking labi at hinawakan ito. Ramdam ko ang laway kaya't napadilat ako at nagpunas. Hindi ko alam na nakatulog ako.
Dahil sa bagong gising napatulala ulit ako sa papel sa aking harap na basa na ng aking laway. Naalala ko ang panaginip ko. Napaginipan ko na naman s'ya, jowa ko sa past life.
Oo, jowa tawag ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit sya napapaginipan ko. Nakabisa ko na pangalan nito dahil sa paulit-ulit ito nagpapakita sa panaginip ko. Tinignan ko ang aking phone upang icheck ito. This is the sad reality puro reminders sa notifications wala man lang text or chat galing sa special someone. Wala pala ako non. Napainat na lamang ako at tumayo. Kinuha ko ang aking t'walya, 4pm na and I need to prepare for my part time job. First night ko pa naman ngayon sa isang coffee shop malapit sa school.
Pagkatapos magbihis isinuot ko ang aking jacket. Chineck ang kwarto ko bago lumabas. Sakto 5pm nasa coffee shop na ako. Marami-rami raw customer sa gabi dahil maraming mga estudyanteng pinipili roon gumawa ng school works dahil tahimik.
Dumaan muna ako sa tapsilogan para kumain bago pumasok. Bumili rin akong saging at skyflakes, baon ko kung sakaling magutom ako. One week naman daw ang training namin. 4hours lang naman duty ko kaya naghahanap pa ako ng ibang part time since need ko talaga para maprovide ko lahat ng pangangailangan ko. Hindi naman ako mayaman para magrelax lang.
Maayos naman ang naging training ko, tinuro sa'min ang iba't-ibang paggawa ng kape. Madaming dapat alalahanin pero nakakaenjoy naman lalo na ang bango ng kape. Ito talaga fave amoy ko sa lahat kung p'wede lang gawing perfume 'to. Bukod kasi sa nakakarelax ang amoy ng kape para bang dinadala ka sa lugar na kalmado lang ang lahat. Pagkatapos ng shift ay pumunta naman ako sa Library dahil wala pa nga akong nasisimulan sa thesis ko. Need kong makapag-isip nang concept na makakatulong din sa livelihood ng mga tao pero ito nga ako nakipagtitigan ulit sa puting papel na nasa mesa. Hawak hawak ang ballpen kong kanina pa nalilito kung ano ba dapat ang isulat. Bukod sa hindi ako makafocus ay naalala ko na naman s'ya. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng epekto n'ya sa akin.
Nababaliw na ako dahil wala lumalabas sa utak ko. Bigla ko namang naalala ang mga palagi kong napapaginipan kaya naisipan ko na lamang na mag-research tungkol dito. Hindi ko rin alam san magsisimula pero kumuha ako ng mga libro na tungkol sa mga panaginip kabilang ang lucid dreaming. Nabaling ang pansin ko sa isang librong patungkol sa reincarnation kaya kinuha ko ito pagkabalik ay una ko itong binasa. The first chapter, titled Plane on Fire was a story about a 4 year old boy who believes he was a former World War II pilot who had been shot down in Iwo Jima. Kinalabutan ako sa sunod na nabasa ko. Napansin ng kanyang mga magulang noong dalawang taon ito sa t'wing nanaginip ito at sumisigaw tungkol sa gyera kung paano bumagsak ang aircraft nila. Kabisado rin daw nito ang bahagi ng aircraft na imposibleng malaman ng isang bata pa lamang. Nahulaan rin nya ang pangalan ng isang pilot na napanuod nila sa isang documentary na s'yang napamangha ng kan'yang pamilya. Nagkaron din ng mga pagsusuri tungkol sa batang lalaki na kung saan nagsasabing galing ito sa nakaraan.
Hindi ko alam kung pareho ba kami nang experience. Kung ang mga panaginip ko na nasa nakaraan ako ay totoo ibig sabihin I was reincarnated? Para mas malinawagan tumayo ako at para maghanap ng libro patungkol dito. Pero di pa ako napunta sa mga shelves may napansin na ako sa isang babaeng nakaupo sa mga computers. Seryoso itong nakatitig sa monitor at ganoon din ako dahil sa sinearch nito ay patungkol sa mga panaginip. Siguro ay ito ang expertise n'ya about panaginip. Kakalabitin ko sana ito para magtanong pero parang napansin n'ya ang presensya ko at lumingon ito sa akin.
Para bang tumigas ang aking mga binti at nakasemento ito sa sahig kasi di na ako makagalaw. Biglang uminit ang paligid dahil sa kaba na naramdaman ko. Tanging t***k nang puso ko lang naririnig ko at para bang napakalakas ng boses ng kanyang mga mata nang makita ako. Nagulat rin ito nang makita ako pero bago pa ito nagsalita ay tumakbo na ako.
I didn't know what to do, luckily I had the strength to run. It seemed that my whole body soften when I saw her. Hindi pa ako handang makausap s'ya. Ang babaeng ilang araw nang tumatakbo sa isip ko. At ngayon ay tumatakbo para habulin ako.
Naririnig kong tinatawag nya ang pangalan ko at pinagalitan sya ng Librarian. Habang nakalabas na ako ay sinusundan ako nito. Nilabas ko lahat ng lakas ko para tumakbo at mapalayo dito. Kaya pumunta ako sa lugar kung saan ay matao. Buti na lang ay hindi ako naabutan dito. Grabe na rin hingal ko. Ito lang ata nagpagising sa buong year ko bilang arki student na laging naghahanap nang pangpagising.
Napaupo na lamang ako habang nakatago sa isang silid. Lalabas na lang ako maya maya at dahil hinahabol ko rin paghinga ko. Patay mukhang iisa pa school naming dalawa. Naiwan ko pa nga mga gamit ko sa library kailangan ko pa tuloy bumalik doon. Sana naman wala na s'ya don.
Wala akong planong makita at makausap s'ya dahil gusto ko na lang kalimutan s'ya at ang mga nangyari. Bakit pa kasi nangealam ako sa mga ginagawa nang ibang tao ayan tuloy napahamak ako.
Napabuntong hininga na lamang ako at naalala ang kan'yang mukha kanina. Napakaganda pala nito sa liwanag. Napakaganda ng kan'yang mga mata na kulay krema sakto rin ang kanyang kilay na napakapal lalo na ang kan'yang mga labi na mas nang-aakit sakin. Napahawak tuloy ako sa labi ko. Wahhhh napasigaw na lamang ako sa isip ko out of frustration ay ginulo ko ang aking buhok gaya na lang sa paggulo ng babaeng 'yon sa isip ko na s'yang dahilan kung bakit hindi ako makafocus sa ginagawa ko. Oo nga pala kailangan ko pa gumawa ng thesis hays dami kong time para tumakbo. Siguro naman ay wala na ito sa labas.