Chapter 9

2492 Words
Alex's Pov Wala akong pasok ngayon sa Ojt namin kaya nasa school ako dahil nagbabakasakaling makita sya. Oo, hindi pa rin ako sumuko sa kakahanap sa kan'ya, ewan ko ba parang may kinuha ito na kailangan kong bawiin. Nahilo lang ako sa ginawa ko, hindi ko alam bakit ang daming estudyante ngayon siguro kasi andito rin mga kabatch ko kasi may orientation kaming lahat. Siguro rin napaaga ako kasi wala pa sila Joan. Wala naman akong gagawin dito sa school kaya naisipan ko na lang pumuntang library para matulog. Kung gusto mo matulog don ka na sa library basta wag ka lang magpahuli. Pumunta ako sa sulok ng library yong di ako makikita. Sumandal ako sa sulok at ipinikit ang aking mga mata. Alam kong hindi ako totally makakatulog pero ipinagpahinga ko na rin ang aking mga mata. I'm still aware on my surroundings and can still feel everything. Sobrang lakas ata nang pandinig ko kasi even the smallest noise I can hear it. It's not been awhile nang tumayo na lamang ako para mag computer at gawin ang nakagawian ko these past few days ang mang stalk. She's still in my thoughts. She's like a poison that has infiltrated my entire being. I can't get her out of my head, and I will not be at peace until I find her. I don't know anything about her, and I'm still unable to locate her by stalking friends that I know that were regulars at that bar, but my name is Alex. Alex won't give up easily, especially when I had goals to achieve. I'll go to any length to get it. Even after searching and stalking random people, I can't find her, not even her shadow. Siguro kung makita man ako ng iba na nangstalk ng mga profile ay sabihin nilang isa akong scammer or manyak kaya tinigilan ko na lamang lalo na nasa library ako madaming makakakita. Naalala ko naman ang mga panaginip ko na hanggang ngayon ay wala akong idea kaya ito na lamang ang sinearch ko. Meaning of a dream about past. Tinype ko ito at madami ang lumabas —you would be longing to live the same experiences once again. Mali dahil hindi naman ito patungkol sa past ko ang mga napapaginapan ko kaya nagtype ulit ako nang p'wedeng mag-explain sa nangyayari sa tuwing nakakatulog ako. Minsan ayaw ko na ring matulog dahil paulit-ulit ko tong napapaginipan lalo na sa part na binaril ang isang binatilyo. Damang dama ko ang balang bumaon sa katawan nito. Sa tuwing gumigising ako mula sa mga panaginip ko ay parang hinihigip ang buong pagkatao ko kaya pakiramdam ko ay pagod pa rin ako after kong matulog. Iniisip ko na rin magpaconsult sa isang psychiatrist pero hindi ko alam kung paano ito i-kwento sa iba. Baka iisipin lang nila na may sleeping issues ako siguro oo nga pero iba talaga ang nangyayari sa akin. Kahit uminom man ako ng sleeping pills hindi mawawala ang chance na mapaginipan ko ito kaya never akong uminom nito dahil iniiwasan ko nga ang makatulog. Maybe the last good night's sleep I had was with her, and that's why I didn't give up looking for her. Nagbukas pa ako ng ibang mga tab about panaginip. Mostly about lang to sa mga meaning hanggang sa nakita ko ang Lucid dreaming. It states that lucid dreaming entails being conscious of your dream and having the ability to control it. Siguro nga ito ang nangyayari sakin. May kakayahan akong mag lucid dream. PeroI'm conscious that I'm dreaming, yet I have no control over it even I knew what was going to happen next, it was simply so vivid and genuine that it seemed like I was watching a film. The last time I saw was about Astral Projection but even before I clicked the tab, I sensed a presence behind me. Although I can feel her presence, I can't identify who it is. Nilingon ko ito at laking gulat naming parehas. Ilang inch lang pagitan ng aming mga mukha, ramdam ko ang paghinga nito na s'yang gumising sa akin sa reyalidad pero bago pa ang lahat nakita ko na itong tumakbo. Matagal ko na s'yang hinahanap. Kahit saang sulok ko ito hinahanap ngayong tadhana na ang naglapit sa amin ay hindi ko hahayaang mawala pa ito sa paningin ko kaya sinundan ko ito. "Miss sandali!!!" sigaw ko. Narinig ko na sinita ako ng librarian pero hindi ko na ito pinansin. May fines pa naman kapag lumabag ka sa rules sa library. Bahala na basta makausap ko lang ito. Bakit ba ito tumatakbo palayo sakin? "Saglit!" Sigaw ko ulit, nilingon man ako nito pero hindi pa rin ito tumigil sa kakatakbo. "Sorry" hinihingal kong sabi sa nabangga ko. Wala pa sa dalawang segundo nang tinignan ko ito ay nawala na sa paningin ko. Ang bilis naman no'n tumakbo. P'wede na mag apply as a snatcher hinding hindi mo talaga s'ya mahahabol. Sinilip ko pa ang mga room na sakaling dinadaanan n'ya pero wala rin akong makita. Hindi ko alam saan na naman ito hahanapin pero ang nagpasaya sakin ay alam kong same university lang kami. Sana naman mapapadali paghahanap ko sa kan'ya. Alam kong ayaw n'ya akong makita or makausap dahil lagi itong tumatakbo palayo sa akin. Pero I promise if magkita man kami ulit at makausap ko s'ya hinding hindi ko na s'ya kukulitin. I know it's just a one night stand but I need a closure. Kinuha ko na gamit ko sa library at heto ako ngayon pinapagalitan ng librarian. Nakabayad pa nga ng multa may panukli pang sermon. "Iniwan mo pang nakabukas ang pc." "Miss pasensya na po talaga, may hinahabol po kasi ako." "It's your first warning Alex, don't make things na magpahirap sayo grumaduate." mahinahon itong sabi at inabot ang receipt ng multa. "Opo miss, 'di na po mauulit. Pasensya na po talaga." Pagkatapos ay pumunta na lamang ako sa bar ko at sa counter na lamang umupo. Tumango naman sakin si Drake. Kilala na ako nito dahil sa halos araw-araw ko ba namang andito. "Order?" nakangiti ito na s'yang nagpaliwanag nang kanyang mukha. Maganda pangangatawan nito dahil na rin sa alagang gym. Bagay na bagay rin ang kanyang kulot na buhok na hanggang tenga ang haba. "same as usual." tipid kong sabi nito at umupo na nga. Kabisado na rin nito order ko. Well, a a regular and loyal customer dito. Nanalo na rin ako ng voucher bilang isang loyal customer dito no. "mukhang malalim iniisip natin ah." pang-aasar nito habang pinupunasan ang mga baso. "Tsk pano ba naman kasi nakita ko na s'ya kanina." lumapit naman ito nang bahagya sa akin. Naikwento ko na rin kasi sa kanya about sa babaeng yon. Kaya alam n'yang hinahanap ko ito. Sa kan'ya ko rin pinapaabang kung sakaling magpunta sya dito. Pero mula raw sa gabing iyon ay nowhere to be found na raw ito. "Edi buti! So may second night stand na?" pang-aasar nito. Hinagid ko naman sya ng tissue paper at tumawa lang ito. "Ayon nga tumakbo nang makita ako." "Bakit tumakbo?" naguguluhan nitong tanong. "Di ko nga rin alam." napabuntong hininga na lang ako kasi ayaw ko na rin isipin pa at pag-usapan kasi nawawalan na ako ng energy. Napansin naman ito ni Drake kaya kahit nagtaka ay hindi na ito nagtaka. Inabot nya naman ang isa pang beer. "Ayan libre ko na lang sayo." "Wala naman akong balak magpakalasing pero salamat di ako tumatanggi ng blessings." natatawa kong sabi sa kan'ya. Umalis muna ito at nag-serve sa iba. Sa katabing counter lang naman halata namang nakikipagharutan ang mga babae sa kanya at kahit walang kasense sense pinagsasabi nito ay tuwang tuwa naman sila. Hinayaan ko na lamang sila at in-enjoy ang beer sayang libre pa naman 'to. Alam naman nating mas masarap ang beer kapag libre at minsan lang may libre. Noong una ay na-enjoy ko pa ang mga tugtugan dito pero habang patagal nang patagal pakiramdam ko lumalakas ito. Masakit na ito sa tenga ko. At para bang umiikot paligid ko. Dalawang beer lang naman nainom ko at alam kong hindi pa ako tatamaan sa dalawang beer. Narinig ko na lamang na tinawag ako ni Drake bago mas umikot pa ang paningin ko. "Alex!" "Okay ka lang ba?" Naririnig kong sabi nito pero hindi sapat ang lakas ko para sagutin s'ya. Ramdam ko ang pag-init nang aking paligid. Hindi ako makahinga, hinahabol ko ito pero para bang wala hanging pumapasok sa ilong ko. Umiikot pa rin ang paningin ko habang may nagflaflash na mga scenario sakin. "Alejandro!" masayang tawag nito sa isang binatilyong hawak ang kan'yang sumbrero. Iwinagayway nito sa hangin nang makita ang dalagita. Lumapit ito sa kanya at dali-daling niyakap ito. "Buti ay nakarating ka." masigla nitong sabi. "Wala si papà, sa makalawa pa uwi nito." "Binibini" nilingon ng mga ito ang babaeng hingal na hingal palapit sa kanila. Dala-dala nito ang isang tela na may mga laman. "Esmeralda, magandang hapon sa iyo." pagbati nang binata sa kanya. "Pasensya ka na mahal at dinala ko si Esmeralda." "Ikinakagagalak kong makita ka Esmeralda at masaya akong sinamahan mo ang aking mahal." Lumapit ito sa babae at kinuha ang dala nito. Mahaba ang buhok nito na nakatirintas. Nakasuot ito ng palda na kulay brown na abot paa. Kung titignan mo ito sa isang sinaunang kasuotan kung hindi ako nagkakamali s'ya ay kabilang sa mga mababang lipunan. Nagulat ako nang lumingon ang mga ito sa akin. "Sino ka?" malakas na sabi ng binata sa akin. Inilabas naman nito ang kanyang matulis na itak at pumunta sa harap ng dalawang dalaga. Pumalikod ang mga ito na para bang takot na takot sa akin. "Mahal bakit magkamukha kayo?" Naririnig kong sabi ng isang dalaga. "Oo nga Alejandro magkamukha kayo." Pagsang-ayon naman ng isang dalaga. Kumunot naman ang noo ng binata. Pati ako ay naguguluhan. "Sino ka at bakit tayo ay magkamukha?" naguguluhang sigaw nito. "Hindi ko alam." Tanging sambit ko hinawakan ko ang aking leeg dahil hindi ko alam kung bakit naging boses lalaki rin ako. Anong nangyayari? Panaginip ba ito? Anong sinasabi nila? Hindi ko maintindihin. Lumapit ang binata sa akin, dahan dahan ang paghakbang nito habang hawak ang kanyang itak. Napaatras naman ako dahil sa ginawa nito. "H'wag kang gumalaw kong ayaw mong masaktan." sambit nito. "Pero–" tanging sambit ko ngunit naramdaman kong bangin na ito at ilog sa ibaba. Napasigaw ako sa takot ngunit bago pa ako mahulog ay hinawakan ng binata ang aking mga kamay. "Sino ka? Sumagot ka kung ayaw mong bitawan ko ang iyong kamay." Halo halo ang emosyon na naramdaman ko. Naguguluhan ako mga nangyayari kung panaginip lang ba ito? Kung anong ginagawa ko dito. Doble ang pangamba na naramdaman ko dahil kunting galaw lang namin ay p'wede na akong mahulog. Hindi pa naman ako marunong lumangoy kung panaginip lang ito sana naman marunong ako lumangoy dito. Pero bago pa ang lahat ay naramdaman kong unti-unti nitong binitawan ang aking mga kamay. Ilang segundo pa ay naramdaman ko ang pagkabagsak ng tubig sa akin. "Alex!" naririnig kong pagtawag sakin nang isang pamilyar na boses. Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata. Nasa hindi pamilyar na lugar ako ngunit ang mukha na nasa harap ko ay pamilyar na pamilyar sakin. "Drake?" mahinang tawag ko dito. Hinawakan ko mukha nito at tinapik tapik. "Panaginip ba ito?" "Hindi. Anong nangyari sayo?" Napayakap ako dito " buti na lang panaginip." Naiiyak kong sabi dito. "Sabing hindi to panaginip." Rinig kong sabi nito. Pero wait bakit ito nakahubad? Tinignan ko ito mula ulo hanggang sa katawan nito na kitang kita mo mga pinaguran sa gym. "Maganda ba?" Flinex naman nito mga muscle nya. "Wahhhh anong ginawa mo sakin?!!!" Napasigaw kong sabi at lumayo sa kanya. At bakit iba na damit ko??? "Aray, aray Alex ang sakit" gamit ang kanyang braso ay tinakpan nya ang sarili sa mga hampas ko "hinay hinay naman baka mapano maganda kong katawan." "Anong nangyari?" tanong ko dito "bakit ka nakahubad? Bakit iba na damit ko? Nasan ako?" Sunod-sunod kong tanong dito. "Wait relax inom ka muna ng tubig." Aabutin nya sana ang tubig pero bago ang lahat ay nasuntok ko na ito sa mukha nya. Anong karapatan n'ya para mag-take advantage sakin sa oras pa nang kahinaan ko. So kaya ako nahilo kasi may nilagay s'ya don??? "Anong ginagawa mo?" sigaw nitong sabi. Wow! S'ya pa may ganang magalit. "Wala kang karapatan pagsamantalahan ako! Sinasabi ko na sayo noong una pa Drake na hindi kita gusto at hindi kita type." "Ano ba pinagsasabi mo? Sabi kong relax ka muna d'yan bakit ka nanununtok agad? At anong sinasabi mo pinagsamantalahan kita? Hoy ikaw tong tinulungan ko." "Anong nangyayari dito bakit kayo sumisigaw?" may pumasok naman sa kwarto na babae tulad ko ay nakasuot ito ng T-shirt lang na alam ko na panlalake rin ito. Nilingon naman namin ito. Don't tell me threesome ang nangyari nang wala akong kamalay malay? In the first place plano na ba talaga nila ito na lasingin ako? "Look Alex kung ano man naiisip mo tigilan mo ‘yan." narinig kong sabi ni Drake. Habang hawak nito ang kan'yang mukha na halatang iniinda ang sakit ng mukha nya. Well, deserve nya to after what they've done. "So what Drake? How will you explain it? Without my knowledge nakipag-threesome na pala ako?" Napasigaw kong sabi. "What?? Anong sinasabi mong threeso? Tayo? Nakakadiri ka!" Galit na sabi ng babaeng pumasok lang kanina. "If makipagthreesome man ako hindi sayo at lalong lalo na hindi kay Drake because he's my brother. Nakakadiri ka mag-isip. At bago ka manghusga alamin mo muna ang mga nangyari." "Ate stop ako na bahala dito." nilapitan naman ito ni Drape para pigilan. Tinutulak nito palabas ng kwarto pero malakas ito. "No Drake after what you did to her, after mo sya tulungan ganyan gagawin n'ya? Pasalamat s'ya hindi mo s'ya pinabayaan sa sahig ng bar na yon at dalhin s'ya nang kung sino man dyan para pagsamantalahan." "Ate tama na." "Sana ay hindi mo ako dinamay Drake para iuwi s'ya dito at bihisan." Galit nitong sabi at umalis. "Drake omg, sorry!" nahihiya kong sabi dito. Bakit kasi padalos dalos din ako. "Okay lang Alex" mahina nitong sabi "ito tubig uminom ka muna." Inabot n'ya sakin ang tubig at uminom na lang para mahimas masan ako sa mga nangyari. After nang panaginip ko ay para bang nawala ako sa sarili. "Sorry talaga yong mukha mo, sorry sorry." Ilang sorry pa sinabi ko. "Ano ka ba wag ka na nga magsorry alam ko namang prinoprotektahan mo lang sarili mo." mahinahon nitong sabi. Hindi ko alam anong gagawin dahil I still felt guilty after what I did to him worst nasaksihan pa ng Ate n'ya. I'm thankful and sorry for him. Lagi ko s'yang nahuhusgahan dahil akala ko ay parehas sila ng mga lalaking nakilala ko sa bar lalo na nakikita ko sya makipagharutan sa girls. Na-husgahan ko sya dahil lang sa bar s'ya nagtratrabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD