Marcelita's Pov
Nabalot ng pangamba at takot ang aking puso nang ibalita sa akin ni Esmeralda na nalaman ng aking ama ang tungkol sa amin ni Alejandro lalo na ang pagkikita namin kanina. Mabilis ang bawat hagbang na aking ginawa patungo sa tahanan ng aking minamahal. Tiyak doon nagtungo si ama at alam kong nagpapahinga si Alejandro sa kan'yang munting kubong tinutuluyan. Mag-isa lamang ito ngayon dahil ang kanyang pamilya ay nasa kampo at bukas nang maaga pa ito tutungo roon.
Hinihiling ko na lamang na wala ito sa kan'yang kubo. Sana'y walang mangyaring masama. Pakiusap panginoon ilayo mo si Alejandro sa kapahamakan.
Ngunit ilang hakbang na lamang ay rinig ko ang boses ng aking ama. Binilisan ko ang aking paghakbang at naabutan kong nakaluhod si Alejandro sa lupa samantalang hindi ito makapaglaban dahil hawak ng mga tauhan ng aking ama ang bawat braso ni Alejandro. Habang nakatayo naman ang aking ama sa harap nito at nakatutok ang kanyang baril kay Alejandro. Hindi ko na nagawang pigilan pa ang aking luha dahil sa nasaksihan ko. Walang kalaban laban si Alejandro sa aking ama. Sugat at dugo na lamang ang matatanaw mo rito.
Napakatahimik ng paligid tanging ang boses ng aking ama lamang ang maririnig mo. Ang buwan lamang ang nagbigay liwanag sa buong kapaligiran. Ako ay tumakbo papalapit kay Alejandro. Gumuhit ang pagkabigla sa kanilang mga mukha nang makita ako ngunit agad kong niyakap ang aking mahal. Rinig ko ang pagtawag ng aking ama sa aking pangalan ngunit hindi ko ito pinansin. Nangyari na ang pinakatatakutan ko ang saktan ang taong mahal ko. Napakasakit makita ang kan'yang kalagayan, walang kalaban laban ito.
"Marcelita umalis ka dyaan." sigaw ng aking ama ngunit hindi ko pa rin ito pinansin.
"Mahal ko, ako ba'y iyong naririnig? Pakiusap magsalita ka." ngunit hindi ito nagsalita. Mas lalong bumigat lamang ang aking dibdib. "Mahal, ako ito-si Marcelita." unti-unti nitong inangat ang kanyang mukha na puno ng sugat at dugo. Kahit nahihirapan ay ngumiti ito kaya't mas lalong tumulo ang aking luha. Alam kong hirap na hirap na ito ngunit pilit itong nagsalita.
"Panaginip pa rin ba ito?" nahihirapan n'yang sabi.
"Hindi mahal. Pakiusap kumapit ka lamang." akmang may sasabihin pa ito ngunit ramdam ko ang pagkahawak ng mga tauhan ni papá sa aking mga braso at pinapalayo ako sa taong mahal ko. Pilit kong pumiglas mula sa kanilang pagkahawak ngunit mas malakas ang mga ito sa akin. Dinala ako ng mga ito sa harap ng aking ama. Galit na galit ito. Pagkalapit ko ay agad akong sinalubong ng kan'yang sampal sa aking pisnge. Ngunit hindi ko ramdam ang sakit siguro'y mas masakit pa ito sa natamo ni Alejandro.
"Iyan ba ang pinagmamalaki mo?" turo nito kay Alejandro. "Binalaan na kita Marcelita ngunit hindi ka tumigil."
"Pakiusap ama pakawalan mo si Alejandro." ngunit para bang bato ito. Mas matigas pa sa bato at mas masahol pa sa hayop. Sumenyas ito sa mga taong nakahawak sa aking braso. Agad naman itong kumilos at dinala ako sa gilid ng aking ama.
"Sa sunod na susuwayin mo ako alam mo na ang mangyayari Marcelita." itinutok nito ang baril kay Alejandro. "Magsilbi sana itong aral sa iyo."
"Wag!!! Ama! Pakiusap!!!!" sigaw ko.
Ngunit kahit anong pagpupumiglas, kahit anong sigaw ko wala itong naririnig. Tinutok nito ang baril kay Alejandro at kasabay ng ihip ng hangin nagpakawala ito ng bala. Unti-unting napahiga ang katawan ni Alejandro sa lupa at tuluyan na rin namatay ang ilaw ng lampara sa loob ng kubo. Sa oras na ito para akong nabingi, hindi ko na naririnig ang mga kuliglig, hindi ko na matanaw pa ang liwanag ng buwan. Ang tanging narinig ng aking tenga ay ang pagtibok ng aking puso. Pumiglas ako sa pagkahawak nila sa akin at lumapit kay Alejandro.
"Alejandro?! Pakiusap gumising ka. H'wag mo akong iwan" umiiyak kong sabi. Umubo ito ng dugo at tumingin sakin.
"Tahan na mahal." nahihirapan nitong sabi. Pilit nitong inaabot ang aking pisnge at hinawakan ito. Hinawakan ko ang kan'yang kamay na nakadampi sa aking pisngi. "Mahal kita aking binibini." Tumingin ito sa aking mga mata. "Hiling ko sa langit na susunod nating buhay ay ikaw at ako pa rin." unti-unti nitong pinikit ang kanyang mga mata at hindi ko na maramdaman ang kanyang paghinga.
"Mahal kong Alejandro!!! Gumising ka, pakiusap gumising ka." kahit anong pakiusap ko hindi na ito gumalaw pa. Para bang biglang dumilim ang aking mundo at tumigil ito sa kan'yang pag-ikot. Bakit kailangang umabot sa ganitong punto? Bakit kailangang mawala pa ang taong tunay na nagmamahal sa akin? "Mahal ko, hintayin mo ako sa kabilang buhay." bulong ko dito.
Tumayo ako at hinarap ang aking ama.
"Ang tangi kong hiling na lamang ngayon ay sana hindi ikaw ang naging ama ko." nakatanggap uli ako ng sampal ngunit hindi nito matatapatan ang sakit na aking nadarama ngayon.
Pagkauwi ay dali-dali akong pumasok sa kwarto, kinandado ko ang pinto at nagtungo sa kama. Kinuha ko ang kumot, itinali ko ito sa matibay na kahoy. Sigurado na ako sa gagawin ko. Handa na akong lisanin ang mundo at makasama si Alejandro. Wala na akong rason para upang manatili sa mundong puno ng kasakiman. Wala na ang taong tanging nagbibigay ng kulay sa madilim kong mundo. Wala na si Alejandro, wala na sya ang tanging nagbibigay ng ngiti sa aking mga labi. Dahan-dahan kong tinanggal ang upuan na s'yang nagsisilbing patungan ko hanggang sa nakaramdam ako ng pagkahigpit ng kumot na ginawa kong lubid sa aking leeg. Hindi ko na magawang makahinga hanggang sa naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha.
May mga taong kayang hawakan ang buhay mo at ikulong sa mundong akala nila ay doon ka sasaya. Walang pagtatanong kung ito ba ay nagbibigay ng saya sa iyo o lungkot lang ang hatid nito sa iyo. Akala nila dito ka sasaya dahil ito ang alam nilang tama. Kay Alejandro lamang ako sumaya ngunit sa mundong ito bawal ang pag-ibig na mayroon kami. Hindi tama ang ipagkaisa ang bawat mundo naming dalawa dahil magkaiba kami. Ngunit alam ng puso ko na siya lamang ang tanging liwanag na gagabay sa akin upang tanawin ang bukas. S'ya lamang ang may kayang kausapin ang aking mga mata. Hindi ito maiintidihan ng iba dahil para sa kanila tutol sila sa relasyon na ang tanging alam lang nila ito ay mali.
---------------
Note
Hello po, ako'y nagbabalik. Nuxx ang hirap din pala magsulat ng pure tagalog. Nakakanosebleed din pala. So welcome to my second gxg story. Sana ay andyan pa rin kayo at supurtaran nyo pa rin gaya ng pagsupport nyo sa nauna kong gxg story. Halos matagal na rin bago nakapagsulat ulit Pasensya na at natagalan.
Sorry na agad sa wrong grammar kong tagalog HAHAHahA at mga typos.
Sana nagustuhan nyo. mwah!