Kabanata III (Chapter 3)

1482 Words
Present Time January 25, 2019 Alex Pov "Oh ayan kape." abot sakin ni Mikay. "Antok na antok ka na naman hindi ka na naman ba natulog?" napakamot na lamang ako ng aking ulo. Eh kasi naman nanaginip na naman ako, same scenario. Ang weird nga eh kasi almost sa panaginip ko ay isa raw akong lalaki. Hindi ko ito pinansin at ininum na lamang ang kapeng binili nya. Actually hindi ako mahilig sa kape kaso mga kasama ko adik sa kape kaya nakahiligan ko na rin. Hindi naman na ako pinansin nito dahil tutok na ito sa phone n'ya. Iniintay namin si Lee since sabay sabay kaming papasok ngayon. Nga pala si Lee ay isang babae laging napagkakamalang lalaki dahil sa pangalan nya. Minsan na lamang kaming nagkakasama dahil sa ojt. May kailangan lang kaming ipasa sa registrar kaya't andito kami ngayon dahil malapit na rin graduation namin. Napansin ng aking mga mata ang isang babaeng dumaan sa aming harap. Hindi ko alam kung bakit sinundan ito ng aking mga mata. Gaya ko humihikab din ito, dala dala ang mga malaking puting card board. Nang mawala ito sa aking paningin ay hinigop ko na lamang ang kapeng binigay ni Mikay sa akin. Marami na ring bago sa paningin ko sa school. Lalo na ang mga estudyante rito. May mga kilala pa naman ako, mahirap lang talaga hagilapin mga luma na rito. hanggang sa bigla kong naalala ang aking panaginip. Isa raw akong lalaki na umibig sa isang napakagandang dalaga ngunit hindi pinalad ang aming pag-iibigan dahil sa magkaiba ang aming mga mundo. Hindi ko alam kung bakit ang weird ng mga panaginip ko. Kasi parang nagkakalucid dream na ako dahil paulit-ulit ko itong napapaginipan. Dumating na si Lee at 'yon ang iingay na naman nila isa na ring dahilan ang matagal na kaming di na nagkikita. Usapan namin ay mag photowalk ngayong araw mabuti na lang, namimiss ko na rin gawin ang mga bagay na gusto ko. "Ano ba yan Alex panay ang hikab." ani ni Lee. "Wala na ngang jowa puyat pa." pang-aasar naman ni Joan. Napatingin kami sa kanya at nagulat na andito s'ya akala kasi namin mamaya pa sya makakarating dahil may inasikaso pa ito. Binati naman namin ito ng yakap. "Kapag ako talaga magkajowa who you kayong lahat sakin." pagtatanggol ko sa aking sarili. "Pano kasi bigyan ng jojowain ayaw naman. Gulo mo rin eh no." ang sabi naman ni Lee. "Naghihintay lang talaga ako ng tamang tao." sambit ko rito. Ayaw ko na makakilala nang tao na sa bandang huli ay iiwan lang ako. Nakapaagod mag-invest nang oras at pagmamahal. Sa ngayon, nasa punto ako ng kung may dadating edi go. Nagsitayuan na kami upang magtungo sa registrar. Ako naman nakasunod lang sa kanila panay ang tawa ko sa mga kabaliwan nila. Nakakamiss din silang kasama ilang buwan na lang ay maghihiwalay na kami nang landas. Ngayon pa nga lang ay hindi na kami gaanong nagkikita. Pagkatapos ipasa ang mga papel ay nagsilakad na kami palabas ng gate. Habang naglalakad ay nag scroll lang ako sa f*******: ko nang di ko namalayang may tao pala sa harap ko. Nabangga ko ito at nagsihulugan ang mga card board na hawak nya. Mas matangkad ito nang ilang inch lang sa akin ngunit mas payat naman ito. "Sorry" tangi kong sambit, "Ayos lang." mahina nitong sabi at pinulot ang mga nahulog na card board. Yumuko rin ako at tinulungan syang pulutin ang mga ito. "Salamat" ani nito at umalis. Tinignan ko itong naglalakad palayo sa amin. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko at para bang bumagal ang ikot ng aking mundo. Tanging s'ya lang ang nakikita ko. "Oy Lex." nagising ang aking diwa nang marinig ang napakalas na boses ni Mikay. "Ano ba! ba't sumisigaw?" sigaw ko dito habang hawak ang tenga. "Just checking baka kasi bingi ka na kaya di mo kami naririnig." pang-aasar nito. "Kanina ka pa kasi namin tinatawag bakit kasi bigla kang natulala do'n?" tanong naman ni Joan. "Huh?" sagot ko naman. "Kilala mo ba 'yon?" tanong ulit ni Joan. "Sino?" "Lutang na naman" natatawang sabi ni Lee."matulog kasi. Puyat nang puyat wala namang jowa." dugtong pa nito. "Gago." tangi kong sambit. Paulit-ulit na wala akong jowa. S'ya na may boyfriend. Akala mo naman ako lang walang jowa dito. Actually si Lee lang talaga ang may bf saming magkakaibigan at kadalasan s'ya tong palit nang palit ng jowa. Ewan ko ba sa kanya. Well, buhay n'ya naman ito kaya wala akong karapatang husgahan s'ya. Nakarating na kami at nag-ayos naman sila nang kaunti. Hindi naman sila mahirap kuhaan dahil confident namin sila sa sarili nila except kay Joan. Mahiyain kasi ito kaya kapag may photog kami hindi ito sumasali. Tamang support lang. Nagsimula na kami at kahit mainit ay wala akong pakealam, kahit nakadapa pa ako sa sahig ay wala pa rin akong pakealam. Ganito 'yong pakiramdam kapag gusto mo ang isang bagay o gusto mo ang ginagawa mo dahil kahit magmukha ka mang tanga masaya ka sa ginagawa mo. Iba ang satisfaction na nabibigay nito sayo. Pinagtitinginan din kami ng mga tao. Hindi ako sanay sa atensyon na binibigay ng kanilang mga mata. Hindi talaga ako sanay o mahilig na nasa akin ang spotlight pero gaya nang sabi ko kanina pa, kapag gusto mo ang ginagawa mo mawawala lahat ng kahihiyan mo sa katawan. Nag-aya na silang uminom. Sabi ko ay kaunti lang iinomin ko dahil may pasok ako bukas. Hindi naman sila mapilit dahil gusto rin nilang umuwi nang hindi umiikot ang mundo nila. Puyat pa naman ako dahil sa panaginip ko, kaloka hindi na kasi ako nakatulog after. Si Mikay naman ay strict ang parents kaya hindi s'ya p'wedeng gabihin. May oras pa naman kami dahil 6pm pa naman ngayon sakto sarap mag inom nang ganitong oras. Katabi ko si Joan, nasa harap naman namin ay si Mikay at Lee. Pansin kong kanina pa busy si Mikay sa phone nya. Nahalata naman nila Lee kung kanino ako nakatingin. "Ehem, mukhang busy tayo dyan ah mare." biro na sambit ni Lee dito. "May jowa na?" "Ano ba to si Lee parang atat na magkajowa kami." pabirong sabi ni Mikay. Natawa na lang kami ni Joan. "Imposible yan teh baliw yan kay Sethro eh." sabat ko naman. Sethro is the long time chatmate of Mikay and take note hindi pa namin nakikita mukha nito. Nagbigay ito ng mga details about sa sarili pero alam naman nating mahirap paniwalaan ang nasa internet. Hindi maitatanggi na nahulog na nang tuluyan ito kay Seth. Sino bang hindi mahuhulog dito? parang ideal bf na nga ito sa nakakarami. Magaling ito sa arts and sobrang caring pa raw. Ang nakapagtataka ay bigla itong nawawala for months tas babalik ulit at umabot sila ng tatlong taon na ganito lang ang set up. Ewan ko rin kay Mikay kung bakit nakaya nya ang ganitong set-up. Tmanag intay lang Palagi kung kailan magchat sa kanya. "Ano na nga bang balita doon?" tanong naman ni Joan. "Wala namang bago." sagot ni Mikay. "So magkausap kayo ngayon?"tanong ko rito at tumango ito bilang sagot. "Marupok." pang-aasar namin. Nakikita naming masaya ito pero ang nakakalungkot ay hindi namin alam if this guy really do exist. Syempre may kasalanan naman si Mikay for letting herself fall in love with a guy na walang assurance sa lahat. Pero kapag hulog na rin talaga tayo sa isang tao it is hard to pull yourself from falling, parang naging bulag tayo sa katotohanan. Sumabay na lang kami sa mga tugtugan dito sa resto bar habang umiinom nakakamiss din pala. Nagsindi si Lee ng yosi kaya't nakisabay na lang ako. Sinabi ko dati sa sarili ko hindi ako papahulog sa patibong ng pag sindi ng isang stick pero wala eh, naimpluwensyahan ako. Para bang ito ang way ng pagtakas ko sa amats at gutom.Iba ang nadudulot na ligaya nito sa aking sistema, kalmado lang. Black ang gamit ko, dati blue pero nung napagtanto ko na gumuguhit 'to sa aking lalamunan ay nagpalit ako ng brand. Nakadalawang bote na kami ng beer gusto pa nila mag-isa kaso tawag nang tawag parents ni Mikay at pinapauwi na sya. Gragraduate na lang si Mikay bantay sarado pa rin sa parents, si Lee naman tinatamasa ang freedom na binibigay ng parents sa kanya. Si Joan parang si Mikay din, strict ang parents siguro dahil mga only child lang sila. Ako? Ayos lang naman kay Mama basta alam n'ya san ako nagpupunta. May tiwala naman sakin 'yon. Simula nagcollege ako unti-unti binibigyan n'ya ako nang kalayaan and take note she let me lived by my own. Hinayaan nya akong bumukod sa kan'ya. I bought a house maliit lang naman ito pero it's good to be an independent din kasi. Isa sa gusto ko ay walang magulo sa bahay. Nagpapasalamat na lang din ako dahil hindi boring college life ko. _______
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD