Chapter 6

610 Words
[LUIS' POV] Nandito kami ngayon ni Kate sa Shoe Shop. Bumibili kami ng mga sapatos para raw sa 'kin. "Hala bro! Sobra-sobra na 'to." sabi ko kay Keith. Nahihiya na ako sa kanya. "Anong sobra ka diyan bro? Kulang pa kaya 'to. At saka thank you gift ko na rin 'to para sa 'yo." nakangiting sabi sa 'kin ni Keith. Pakiramdam ko tuloy ay isa siyang bakla na namimigay ng sapatos sa mga basketball players. "Salamat talaga ng marami bro." sabi ko kay Keith. Ang swerte ko talaga na makilala ko siya. "Wala yun. Tara, umuwi na tayo." sabi sa 'kin ni Keith na ikinagulat ko. May bigla kasi akong naalala. "Hala bro! Ano na ba ang oras?" tanong ko kay Keith. Tumingin siya sa relo niya. "s**t! It's almost 8 o' clock na ng gabi." shock na sagot ni Keith. "8 O' CLOCK?" napasigaw ako bigla. Patay ako sa boarding house lalong-lalo na kay Billy the Monster. "Tara na bro. Ihahatid na kita." sabi sa 'kin ni Keith. Tumango naman ako at pumunta kami sa parking lot dala-dala ang pinamili namin. [BILLY'S POV] "Wala siya sa school." sabi sa 'kin ni Fredison. Hinanap na namin si Luis kahit saan pero hindi pa rin namin siya mahanap. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya kahit na naiinis ako sa kanya. "Nandito na si Luis." sabi sa 'min ni James. Napatakbo naman ako palabas ng bahay at nakita ko si Luis. OoO Natulala ako bigla. Siya ba 'yan? Bakit... ...pumogi siya? [LUIS' POV] "See you tomorrow Luis." sabi sa 'kin ni Kate at umandar na ang kotse niya paalis. "Luis?" tawag sa 'kin ng isang pamilyar na boses. O____O Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Billy the Monster na palapit sakin. Patay, nakatingin siya sa 'kin. Kinilatis niya ako. "Ikaw ba 'yan?" tanong niya sa 'kin. Nabigla naman ako sa tanong ni Billy the Monster. Oo nga pala, nag-iba ang itsura ko. Mukhang hindi pa niya ako nakikilala. "Opo. Bakit po?" magalang na sagot ko sa kanya. Nakita ko namang natulala siya. [JAMES' POV] "Brad, nakikita mo ba ang nakikita ko?" sabi ko kay Fredison. Woah! Ang pogi naman pala ni Luis. Nakakatulala ang kagwapuhan niya. Pati nga si Billy natulala. Pwede na siyang maging miyembro ng grupo naming 'The Hunks'. "Hoy! Gabi na. Bakit ngayon ka lang? Tinatakasan mo siguro ang trabaho mo noh." galit na sabi ni Billy kay Luis. "Pasensiya na po. Hindi ko po kasi namalayan yung oras." sabi ni Luis na parang natatakot na masisante siya sa trabaho. Bumuntong hininga si Billy. "Ipagluto mo kami ng hapunan." utos ni Billy kay Luis. Dali-dali namang pumasok si Luis. Mukhang galing sa mall si Luis. Marami kasi siyang bitbit na mga paper bags. "Ang pogi pala ni Luis kapag nakaayos." nakangising sabi sa 'kin ni Fredison. Tumango naman ako. Nakita kong pumasok si Billy. Pumasok na rin kami ni Fredison na tulala pa rin. [BILLY'S POV] *dug dug dug dug* Shit! Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? Bakit nagkakaganito ako? Yeah. I admit he's handsome kapag nakaayos siya. But I'm not gay for pete sake. Nakita ko naman si Luis na pababa ng hagdan. Biglang nag-slow motion ang paligid at may kung ano-anong sparks ang nakikita ko sa paligid niya. s**t! Hindi maganda 'to. "Ang pogi talaga ni Luis. Isali kaya natin siya sa grupo natin?" narinig kong sabi ni Fredison. [JAMES' POV] Hindi ko pa rin matanggal sa isip ko ang napakagwapong mukha ni Luis. Kung babae lang ako, I think I'm having a crush on him. Pero mas gwapo pa rin ako. Hahaha! "Nakahanda na po yung hapunan." sabi ni Luis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD