Chapter 5

592 Words
[LUIS' POV] - MALL - "Naku bro! Hindi mo naman kailangang gawin 'to." sabi ko kay Keith. "Hindi, kailangan mong mag-ayos Luis. Pagtitripan ka lang ng mga kaklase mo kung ganyan ang itsura mo." sabi sa 'kin ni Keith. "Pero bro..." "No buts bro. Magtatampo ako sa'yo kung hindi ka pumayag sa treat ko." malungkot na sabi sa 'kin ni Keith. Bigla tuloy akong nakonsensiya. "Okay fine." ang nasabi ko na lang. Ang hirap pa lang magkaroon ng makulit na bestfriend. Since pumayag na ako ay nag-shopping na kami ni Keith ng mga damit at maong pants. "Bagay 'to sa 'yo pre. Ito rin." Kuha ng kuha siya ng mga damit. Shopping monster pala 'tong si Keith. *** "P105,320 po Sir." sabi ng cashier nang makarating kami sa counter. Napanganga naman ako sa total na binili namin. P105,320? Seriously? "Here's my credit card." sabi ni Keith sabay abot sa cashier ang credit card niya. Malanding kinuha naman ng cashier yung credit card ni Keith. Halatang inaakit niya ito. "Heto na ang mga damit mo. Suotin mo yan every Friday during school." sabi sa 'kin ni Keith. "Salamat bro ha. Hindi ko alam kung paano ko 'to babayaran." sabi ko kay Keith. Sobra-sobra 'tong binigay niya sa 'kin. "No need to pay pre. Friendship mo lang sapat na sapat na." nakangiting sabi sa 'kin ni Keith. Grabe, ang bait talaga niya. At ang gwapo pa. "Tara, kumain muna tayo." pag-aaya sakin ni Keith. Pumasok kaming dalawa sa Dyosa's Foodcourt dito pa rin sa mall. Center of attraction nga siya ng mga kababaihan. Mukhang nakakita ng artista. "Ang dami naman 'to bro. Mauubos ba natin 'to?" tanong ko kay Keith. Ang dami kasing pagkain ang binili niya. "Don't worry bro. Kung gusto mo, ipabalot na lang natin ang natira at ibibigay ko sa 'yo." sabi sa 'kin ni Keith na ikinatuwa ko. Agad akong tumango at nagsimula nang kumain. Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa salon dito sa mall. Hindi nga namin naubos yung pagkain kaya pinabalot na lang namin. Yes, may hapunan na kami sa boarding house. Hindi ko na kailangang magluto pa. Ang dami ko kasing assignment kaya hating-gabi na ako nakakatulog. Isama mo pa ang mga utos sa 'kin ni Billy the Monster na yun. Hahaha! "Hello Mr. Keithson." bati ng isang beki kay Keith. "Hello Dave, I mean Dyosa." bati rin ni Keith sa beki. Mukhang suki yata rito si Keith sa salon kaya nakilala siya ng beki. Sinabi naman ni Keith sa beki ang mga instructions na gagawin daw nila sa 'kin para pumogi. "Okay, just relax Mr. Luis on your sit and I'll give you my magic." sabi sa 'kin ng beki. Inaayusan na ako ng beki kasama ang back-up niyang beki rin. May kung ano-ano silang ginagawa sa buhok ko. Meron ding nag-wa-wax sa 'kin. Hindi naman masakit. Tsk! Meron ding nag-aahit sa kilay ko. Halos lahat yata ng parte ng katawan ko ay minurder na nila para lang ako pumogi. *** - AFTER AN HOUR - "Okay bro, open your eyes." sabi sa 'kin ni Keith. Minulat ko ang aking mga mata. Pagmulat ko ay may gwapong lalaki sa harap ko. "Ah bro. Sino 'yan?" clueless kong tanong kay Keith. Bigla namang humalakhak si Keith. "Hulaan mo bro." sabi sa 'kin ni bro. Tinignan ko yung gwapong lalaki. Teka, bakit niya ginagaya ang mga galaw ko? O_____O "Ako ba 'to bro?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Hahaha! Yes Luis, that's you." sabi ni Keith na mas ikinagulat ko pa. Napahawak naman ako sa mukha ko. Woah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD