Training

1262 Words
Chapter 4: Training Kylie Era's Point of View I trudged my way towards the training room after sir Mel dismissed us. Nasa kabilang building katabi ng paaralan ang mga training rooms. Siguro, solo training ang gagawin o kaya naman may mentor ako, sana meron. Nadaanan ko ang hallway. Nasa kalagitnaan pa lang ng klase ang ilan, may mga iilang estudyante rito. Masinsinsinan silang nag-uusap-usap. Dumaan ako sa puwesto nila. Nakatingin sila sa akin at nakakunot ang mga noo. Hindi ko sila tiningnan. I used my peripheral vision, instead. Wala akong narinig mula sa kanila about sa pagkatao ko. Hanggang sa nakarating na ako ng kabilang building. Hindi makaluma ang building nila kundi sobrang gara kung titingnan dito sa labas. It looks like I was in a science-fiction movie. Pagkapasok ko sa gate nito ay narinig ko na ang pagkalansing ng mga espada. May nageensayo sa loob. Ayon sa schedule ko. May mahigit 500 na training rooms dito sa building na ito. At nasa 47 pa ang room ko. Ano kayang hitsura n'yon? Nalagpasan ko na ang ibang training rooms. At wala akong ibang narinig kundi ang mga pagkalansing ng mga sandata. Umalingawngaw sa buong espasyo ang tunog nito. Malapit lamang ito sa kinaroroonan ko. Hindi ko namalayan na narito na pala ako, sa tapat ng ika-45 na ako training room. At ang ibig sabihin n'yon ay may isang room pa akong dadaanan. 'Room 46.' Habang papalapit ako sa silid, mas lumalakas ang pandinig ko. Pinakinggan kong mabuti ang mga tunog. Tumapat ako sa room 46. Inilapat ko ang tenga ko sa pinto. Tama, may nageensayo nga rito. "f**k! Umayos ka naman! Ilang araw ka nang ganyan! Don't you ever waste my time!" bulyaw ng kung sinumang tao roon sa loob. Hindi pamilyar ang boses ng lalaki, may katandaan ang boses nito. Naririnig ko sila dahil sa nakabukas na maliit na hiwa ng pintuan nila. "I'm tired," mahinahong sagot n'yong isa na ikinapintig ng mga tenga ko. Tama ba ang narinig ko? Siya ba itong nandito sa loob ngayon? Pinakinggan kong muli ang loob ng kwarto subalit wala na akong iba pang narinig, maliban sa yapak na papalapit sa pintuang kinatatayuan ko. Dahil sa matinding kaba, nagpanggap akong kararating lamang at tuloy tuloy na lumakad papunta sa silid na pag-eensayuhan ko. The door of room 46 squeaks. Hindi na ako nag-abala pang lumingon pa dahil tama ang hinala ko. Ang prinsipe nga ang nagt-training sa silid na 'yon. Pinihit ko na ang knob, nilingon ko muli ang prinsipe, subalit wala na siya roon. I shrugged and pushed the wooden door. When I entered the room, the eerie ambiance of the room greeted and embraced my entire body that gives me chills down my spine. Narinig ko ang pagpunit ng hangin palapit sa kinaroroonan ko. My instinct gives me warning. 'Warning to dodge that thing.' I managed to dock. At gumulong patungo sa kaliwang wall. Who the heck did that? Dahil madilim ang kuwartong ito, hindi ko siya maaninag pero nararamdaman ko ang mabigat niyang presensya. A black dim light. Narinig ko muli ang paghagis niya ng mga bagay na iyon. It was a dagger. Muli kong iginaya ang ulo ko dahil ito ang puntirya niya. I was late in dodging those stuffs kaya nadamplisan nito ang kaliwang binti ko. "Damn!" inis kong mura. Sumirit ang kaunting dugo sa binti ko. "Concentrate, Kylie! I know that it is not your first time?" he said as calm as the wind inside here. Nanganga ako sa narinig ko. It was him again. That hologram s**t! Inayos ko ang pagkakatayo ko. "Y-yes... I'm sorry," malamya kong tugon. Gusto kong magkaroon ng mentor pero hindi siya. "Well, I wasn't impressed in your reflexes. Kulang pa ang mga ibinato ko sa 'yong mga daggers," sabi niya na halos ikaluwa ng mga mata ko dahil sa panlalaki ng mga ito. "What? You almost killed me tapos kulang pa 'yon para sa 'yo?" hindi makapaniwalang himutok ko. "Buhay ka pa naman, 'di ba? So it means, you can synchronize with my ability," paliwanag niya habang nakahalukipkip doon sa pwesto niya. I gritted my teeth in anger. "Kahit na! Alam mo naman sigurong wala akong karanasan sa ganitong mga bagay, 'di ba?" pinamewangan ko siya habang nanlalaki ang mga mata ko. Subalit gano'n pa rin ang presensya niya. He seems to be enjoying while playing my safety here. Pinantitigan ko ang maskara niya. He's still keeping his identity to me. "Sa giyera ba, ipagsisigawan mo bang hindi mo alam ang makipaglaban? Hangal ka kapag gano'n. Ganoon ka rin ba? At alam kong hindi ito ang unang beses na nakipaglaban ka gamit ang sandata," makahulugang wika niya. He has a point. Pero sa sinasabi niyang pakikipaglaban ay wala talaga akong maalala. Kahit nga pakikibuno ay talo agad ako. Hinihintay niya siguro ang sagot ko subalit nanatili lamang akong tahimik. Lumakad siya ng tatlong hakbang. Palayo sa kinaroroonan ko. He raised his right hand. Ngayon ko lamang napansin ang singsing niya. Pamilyar sa akin ang gano'ng singsing. Parang may gano'n din si Athena. He flicked his fingers and a magic circle summons below his feet. Kulay-lila ito. Kasabay n'yon ang paglitaw ng espada niya na may isa't kalahating pulgada ang haba. May simbolo ito sa katawan na hindi ko mawari kung ano. Kumislap ang talim nito sa mukha ko at nakita ko ang repleksyon ng mukha ng hologram ng lalaking ito. He's wearing again that smirk that irritates me. "So, you've no choice but to fight me," he said arrogantly. Nakaka-irita na talaga ako sa presensya niya lalo na sa pagmumukha niya. May chance lang sana akong matanggal 'yang maskara na 'yan, naku puputukin ko talaga ang labi niyan. Then bigla siyang naglaho. A violet smoke was hovered in his place. I can't locate him. I can't sense his presence. 'He is using teleportation.' "Patay ka na sana," rinig kong sabi niya sa likuran ko dahilan upang mabigla ako at hindi magawang makakilos. Naramdaman ko ang talim ng kanyang espada sa likod ko. Ang malamig nitong metal na pumunit sa uniform ko. I gulped. I was cornered already. Subalit ang ikinabigla ko ay imbes na hatawin siya ay inapakan ko ang paa niya sanhi upang umatras siya at dumaing. "s**t! What was that! You're cheating!" nakakunot-noong hiyaw niya. "No, I'm not! Self-defense ang tawag doon, at tiyak akong hindi mo alam 'yon," tinaasan ko siya ng kilay habang pinipigil ang sariling matawa. "Mainam, suablit... Hindi 'yon self-defense, kundi way to death," nakangising wika niya. "What do you mean?" ngayon ay ako naman itong nakakunot ang noo. Umayos siya ng tayo. Naglaho na ang espada niya at wala na rin ang magical circle niya. "We're done. Bumalik ka na lang mamayang hapon," wika niya pa at naglaho na. Damn! Hindi niya sinagot ang katanungan ko. It's way to death daw! Mas lalo niya akong pinahihirapan e! Ganito ba talaga ang kaugalian dito? Masyadong nadala sa pagkamisteryo? At mas lalo pa akong naiinis dahil paano ako magtitiwala sa isang taong ayaw ipagkatiwala ang katauhan niya sa 'kin? Parang 'yong hologram na 'yon. Pinahirapan lang ako at muntik pang mapatay tapos mag-iiwan siya ng mga salitang hindi naman pamilyar ang kahulugan sa 'kin? Ano 'yon pasakit? Haist.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD