Chapter 6: Holy Cow!
Kylie Era's Point of View
Lumipas ang dalawang buwang pamamalagi ko rito sa academy. Nananatili pa ring sarado ang mga katanungang matagal ko nang nais masagutan.
It's like a missing piece of a puzzle. Kung wala ang isa hindi ito mabubuo at mananatili itong isang napakalaking misteryo.
Life is so complicated to the point we give up some things. Pero iba ako sa mga taong 'yon. I am not going to give up. Still, I'm going to pursue what my instinct tell me to do so.
'Yong mga nangyari noong nakaraang buwan. Ang pagsasagot sa katanungang Poseidon and Descendants. My encounter to Maleficent Room, at ngayon naman ay ang kuwentas na nasa sanctuary na pinangangalagaan ng mga faeries. Faeries na sobrang kulit pero malulupit.
Kapag nakagat ka nito, magiging paralisado ka at wala itong lunas. These faeries are just two-inch size. Para silang mga hinliliit natin. Pero 'wag magpapalinlang sa laki nila dahil makapangyarihan ang nga nilalang na 'to.
Gaya ng naramdaman ko noong pumunta ako sa library, 'yon bang nais kong makuha ang isang bagay, ganon din ang naramdaman ko noong pinasok ko ang maleficent room, na parang wala akong kontrol sa sarili ko. Tapos ngayon, noong nakita ko 'yong kuwentas, naramdaman ko muli ang gano'ng pakiramdam.
Ewan ko ba kung sa pangalan pa lamang ni Poseidon, sa katalinuhan ni Athena at sa kuwentas ni Aphrodite? Ewan, para akong bangag na sinusunod ang utos. Naguguluhan na talaga ako.
"My God! Si Prince Cleioffe!"
Mahina lamang iyon pero rinig na rinig ko. Ang lalandi talaga nila. Naglalakad ako ngayon dito sa hallway.m at madadaanan ko ang mga estudyanteng busy sa tsismisan.
Hindi ko pinansin ang mga bulungan nila. At lalong lalo nang hindi ko papansinin ang prinsipe.
"Sino 'yon?"
"b***h!"
Doon ako napasulyal sa pinag-usapan nilang sumunod. Holy cow! My eyes widen when I saw her. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito? And why does she cling on Prince's arm?
"Hey? You're blocking the way!" sigaw niya sa akin sa napaka-arte niyang tono.
Ang dakilang pala-utos. Ang b***h! Ang malandi! At ang sobrang feeling. She's none other than, Dianne Montejo. My cousin. My enemy.
"I'm sorry," pagpapa-umanhin ko habang nakatungo ang ulo.
Nakakapit pa rin siya sa kamay ni Prince Cleioffe. Napaka arogante niya. At napakahambog. Nakatingin pa rin ako sa likod nilang dalawa.
"Hindi sila bagay."
I heaved a sigh. Marami pa ring bulungan dito. Nagpoprotesta sila sa babaeng 'yon, si Dianne Montejo.
PUMASOK NA ang lahat sa mga silid kasama na ako. Nasa kalagitnaan na kami ng klase nang may kung anong tunog akong narinig. It isn't far from where I am. Malapit lamang ito.
"Excuse me-!" sigaw ko mula rito sa likuran. Nagsilingunan ang mga kaklase ko. Napahinto rin si sir Mel.
"...may I go out sir?"
Tumango lamang si Sir at ipinagpatuloy ang leksyon. Nakalabas na ako ng classroom namin. Habang papalapit ako sa tunog na 'yon, mas lumalakas ang kabog ng puso ko.
Dinala ako ng mga paa ko sa pintuan ng private room. May naririnig talaga ako rito. Sure akong dito nga iyon at tama ang pandinig ko.
Pinihit ko ang knob at tumambad sa akin sina Prince at Dianne na naghahalikan. Napatakip ako ng bunganga. Nakapatong si Dianne kay Prince habang nasa mainit nipang paghahalikan.
"f**k! What are you doing here!" inis na sigaw ni Prince sa akin na para bang nabitin sa ginagawa nila. Habang nakahalukipkip na si Dianne sa ibabaw ng mesa at nakangisi ito.
"I think you should punish her, Your Highness," Dianne pointed to me while her eyes disgustingly darted towards me.
Prince just rolled his eyes then cross his arms.
"I guess so?" he raised his left eyebrow.
Agad akong napatungo dahil sa kahihiyang ginawa ko. What the heck! I shouldn't have trusted my instinct for f**k's sake! This is so embarrassing!
"I'm sorry."
Palagi na lamang akong nagsosorry. Kailangan ko nang umalis. Naglakad na ako paalis sa room na iyon at pumunta sa dorm ko. Wala na akong gana pang pumasok sa mga sumunod na asignatura.
Nang makarating ako sa dorm, mayroon akong nakita sa puno ng acacia, nakadapo roon ang isang puting kuwago. Nakatingin ito sa akin na parang nais niyang kunin ko siya mula roon.
Kaso tinatamad ako. Humiga ako sa kama at umidlip kahit tirik na tirik pa ang araw. Tapos biglang may kumalabog sa bintana ng dorm ko na tanaw ang acacia. Bumangon ako upang tingnan ang bagay na iyon subalit wala.
"Pasensya na, 'yong alaga kong iboj 'yon, siguro nais niyang pumasok rito."
Napatalon ako sa gulat ng may magsalita sa likuran ko. Nilingon ko kung sino ang lapastangang pumasok rito
Nakasuot siya ng silk white na damit kumikislap. Habang may hawak siyang setro na siguro abot hanggang bewang ang haba. Habang laylay naman ang kanyang bigute at ang maputi nitong mahabang buhok.
'I don't know him.'
Matanda na siya. Naglakad ito palapit sa akin. Subalit nilagpasan niya ako at dumiretso ito sa bintana. Humawak ito sa riles ng bintana at tumingin sa labas, na wari mo'y may tinitingnan itong tao.
"Sino po kayo? At bakit po kayo narito sa loob ng dorm ko?" magalang kong tanong.
Hindi ko siya kilala, kaya bakit siya pumasok dito sa dorm nang walang nakukuhang permiso mula sa akin? Narinig ko siyang tumawa ng mahina.
"Sabihin na nating ako ay kadugo mo. Anyway, hija, ayos ka lamang ba rito?"
Pag-iiba niya ng topic. Anong kadugo? Kasi ang kilala ko lamang na kadugo ko ay sina tiya Imelda at wala ng iba.
"Okay lang po, pero-"
"Alam ko ang iniisip mo, hija. Masyado pang maaga upang malaman mo ang katotohanan, at nais ko sanang ikaw ang tumuklas nito."
"Ano pong katotohanan?"
"Sige kailangan ko nang umalis, masaya akong makita kang nasa maayos na kalagayan. Hindi pa ito ang huli nating pagkikita."
At naglaho na siya. Isang puting hamog ang naiwang presensya niya. Napailing na lamang ako.
'Katotohanan?'
Isang palaisipan na naman. Pagod na ako sa mga ganitong bagay, hays. Umidlip ako at tiniyak kong wala nang makakaabala pa.
'Kung anumang katotohanan 'yon, sana nga ay 'yong ikabubuti ko na 'yon.'