Chapter 7: Descendant's Tale
Kylie Era's Point of View
Ilang linggo rin ang iginugol ko sa mga gawain sa academy. Sakop na rin n'yon ang pagpapakadalubhasa ko sa mga misteryong bumabalot sa mga bagay-bagay.
Unfortunately, those guards that monitors the necklace didn't give me a chance to get near of it or even a while glance. Ganoon sila ka istrikto sa sanctuary.
'Bakit kasi ganoon na lamang kanais kong makuha ang bagay na iyon?'
This past few days, napansin kong nakokontrol ko na ang sarili ko. Hindi ko na ipinagpipilit sa sariling kunin ang mga bagay na pinahahalagaan at pinakaiingatan ng buong kawani ng akademya. I don't like to begin a destruction just because of that necklace that the academy cherishes most.
Nito ring mga nakaraang araw, may mga kakaibang mga imahe akong nakikita sa isipan ko.
They were images that means for something.
At nito ring nakalipas na mga araw, I've dream, well, a dream that still tells something. Meaning for something mysterious, again.
And that dream, is all about Aunt Dory. Hindi ko alam kung bakit? Subalit ang nalaman ko roon ay maliban sa portal maker siya, dati rin siyang descendant. How come na descendant siya?
"So, you already found out, hija?"
Napahawak ako sa aking puso nang magsalita si Aunt Dory.
'Uso po kumatok,' himutok ko sa kaloob-looban ko dahil sa pagkakagulat.
"Nagulat ba kita, hija?"
'Ay hindi po! Namangha ako sobra! Maryusep, anti!'
I rolled my eyes. Seriously? Sa ganitong tingin hindi nagulat? I didn't bother to answer her question, instead, nginitian ko lamang siya.
"Descendant po pala kayo?"
I heard her heave a sigh. Lumapit siya sa kama ko at umupo sa tabi ko. Tumango siya sa itinanong ko sa kanya.
"Paano po nangyari ang bagay na iyon? At may gano'n po pala?" hindi makapaniwalang tanong ko pa, kulang na lang ay magkabitak na ang noo ko dahil sa pagkakakunot.
"There's nothing impossible if you believe, though, hindi rin naman ako believer noon e, but then I found it in that weird and epic moment," she stated that made me frown.
"What do you mean by believing?" I asked out of nowhere.
"I mean, yes, indeed, I'm the recent descendant of the Goddess Hera," she explained.
Napamulagat ako sa sinabi niya. As in? Descendant siya ni Goddess Hera?
'Wow!'
"So, why did I dream of you?" muli ay tanong ko na naman.
Bumuntong hininga muli siya. 'Di ba nila pinahahalagahan ang dating tagapagmana? Bakit ganito ang estado ng buhay niya? 'Di ba dapat ay nakatira siya sa isang magarbo at magandang tahanan? Bakit siya naging alipin ng akademya?
"Dahil may mga dahilan kung bakit mo napapanaginipan ang buhay ko noon. Maybe, they wanted you to see through with my failures. Kung meron man," naging matunog ang kanyang pagbuntong-hininga.
Napansin ko ang pag-iiba ng tono niya. Malungkot siya.
"Failures..." bigla ay napamaang ako sa iisang salitang tumatak sa isipan ko.
Hinawakan niya ang mga kamay ko at muling bumuntong hininga.
"Listen, Kylie..."
Muli kong narinig sa kanya ang pagbanggit niya ng pangalan ko sa pagkakataong ito. Hinarap ko siya at nakita ko sa kanyang mga mata ang sinseridad.
"...kung papipiliin ka, 'yong butil ba na naitanim sa magandang klase ng lupa na kung saan ay may nagbabantay at nangangalaga sa kanya o roon sa butil na itinapon sa hindi magandang kalidad na lupa, magaspang, puno ng mga ligaw na halaman at tuyo ang lupa? Syempre, ang pipiliin mo ay 'yong una 'di ba?" tila naipipinta sa kaisipan ko kung ano ang nais niyang iparating sa akin.
Tumango ako.
"Paano kung sinabi kong pwedeng wala kang pipiliin? Dahil mahirap magdesisyon? Paano kung ako 'yong taong nag-aalaga sa butil na nauna, at ako rin 'yong taong nagtapon sa butil na nasa pangalawang pagpipilian?"
"Ibig niyo po bang sabihin ay may pagkakamali kang nagawa noon?" mahinahong tanong ko.
She paused for awhile. Parang may nasabi akong mali sa mga salitang binitawan ko. Maluha-luha na rin siya.
"Oo, at iyon ang bagay na pinagsisisihan ko. Walang nakakaalam na ako'y dating isang descendant maliban sa'yo," malungkot na wika niya.
Pumatak ang ilang mga luha niya sa kanyang pisngi. Kahit ganoon ay naguguluhan pa rin ako. Bakit walang may alam maliban sa akin? At anong pagkakamali ang nagawa niya?
"Bakit ako lang po ang may alam?" napahigpit ang hawak ko sa parehong mga kamay.
"I can't say to you," maluha-luhang sabi niya saka pinunasan ang kanyang pisngi.
"Nais kong ikaw ang tumuklas ng mga bagay na iyon."
Naalala ko na naman 'yong mga sinabi sa akin nong matanda noong mga nakaraang linggo.
"Ano ba ang naging tungkulin niyo noon?" hindi ko alam kung saan ko napupulot 'tong mga tanong ko o kung may karapatan ba akong magtanong sa kanya.
Napadungaw siya sa kalangitan na natatanaw sa bintana. I think she's reminiscing her past.
"Descendants are the gate keepers and the bridge of connections from heaven to earth. Pero ako, pinili kong talikuran ang tungkulin na iyon dahil puot at galit ang pinairal ko noon," sagot niya.
Ngumiti siya nang sobrang pilit.
"Namatay kasi noon ang mga magulang ko, kaya naman nagalit ako sa mga diyos. Tinanggap ko naman ang tungkulin ko subalit kinuha pa rin nila ang pamilya ko," sabi niya na halos pumunit sa kanyang mga labi.
"I'm sorry..." pagpapaumanhin ko.
"Ano ka ba, wala kang kasalanan. Hala sige na, hija, may trabaho pa ako, magkita na lamang tayo sa ibang araw," bigla ay nag-iba ang tono niya at naging masigla na akala niya ay wala siyang dinaramdam kani-kanina lamang.
"Sige po," hindi na ako nagpumilit pang magtanong nang kung anu-ano dahil baka kung mapaano pa siya ng dahil sa 'kin.
Umalis na siya kaso rinig na rinig ko pa rin ang hikbi niya na kanina pa niya kinikimkim.
Pagkaraan ng ilang linggo, madalas nang nagpapakita sa akin si Aunt Dory. Siguro hindi pa rin siya nakaka-move-on doon sa usapan namin.
Nandito ako ngayon sa cafeteria. Napakaingay ng mga tao rito, kesyo kakain nanaman daw dito ang prinsipe kasama raw 'yong higad na babae. Sino pa ba? E di si Dianne. I'm not affected, 'yon lang talaga ang nararamdaman ko sa kanya.
'Sipsip nga naman.'
Siguro narito na sila dahil sobra ang katahimikan dito. Lahat ay nakamasid lang sa dalawa maliban sa akin na todo subo ng kinakain.
Dumaan sila sa pwesto ko, pero hindi iyon ang dahilan upang tingnan at pansinin sila lalong lalo na ang pinsan ko.
'You have to reveal who and what you really are,Kylie.'
Nagsalita si Athena gamit ang kanyang telepathy.
'Bakit ko naman gagawin ang bagay na iyon?' tanong ko sa kanya pabalik.
'Sayang ganda,' saad muli niya na animo'y nabasa niya ang nilalaman ng utak ko.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko upang umalis na sa cafeteria. Subalit, wrong move yata ako ngayon.
"Hey! You ugly? Where do you thing are you going?"
Sino pa ba ang magsasabi niyan? E di si Dianne na naman.
"As far as I know, wala kang karapatang sabihin 'yan sa 'kin."
I heard them gasped. Lahat ng mata ay nakatuon sa aming dalawa ni Dianne. Nagkuyom siya ng kamao. At 'tong si Prince, hindi man lang kayang patahimikin ang babaeng iyan.
Lumapit siya sa kinaroroonan ko, walang narinig na ibang tinig maliban ang pagtagaktak ng sandal niya sa marmol na sahig ng cafeteria. Tila lahat ng nandito ay nagpipigil ng kanilang nga hininga.
"How dare you to say that to me?"
She now, then raises her voice. Ganoon din ang kamay niyang nakaambang sasampalin ako. But, something happened. The time were slowly going on. Parang nag-slow-mo ang lahat maliban sa akin at kay Prince.
"What have you done?" sigaw sa akin ni Prince subalit nanatili akong nakatikom. I did not utter a single word.
"This is not her fault."
I heard a voice from behind. Babae siya na kapag narinig siguro ng mga kalalakihan dito'y pagkakaguluhan siya.