***Luth POV*** NILIBOT ko ang tingin sa servants quarter na pinagdalhan sa akin ni Manang Citang. Malaking kwarto iyon na may apat na bunk bed—dalawa sa magkabilang gilid ng malaking kwarto at isang single na nakadikit sa bintana. Ang single bed ang gagamitin ko. Bawat higaan ay merong tig isang cabinet na paglalagyan ng gamit. Maganda ang servants quarter at presko. Malinis din ito at hindi masikip. Marmol din ang sahig, may malaking tv, ref at mini dining table. Bukod sa centralized aircon ang buong bahay na sabi ni Manang Citang ay may split type aircon din ito. "Luth, may mga uniform ang cabinet. Magpalit ka na at lumabas. Hihintayin kita sa kusina. Doon tayo mag uumpisa," untag sa akin ni Manang Citang bago lumabas. "Opo," tanging sagod ko at lumapit na sa single bed na gagamit

