***Luth POV*** "P-PO? Mag-isa lang akong kasambahay sa bahay na 'to?" gulat na tanong ko sa sinabi ni Manang Citang. Kaya pala ang laki ng sahod dahil mag isa lang pala ako. Bigla tuloy akong nagdalawang isip. "Oo, ikaw lang ang mag isa rito." Kumamot ako sa batok at ngumiwi. "P-Pero manang, hindi ko po kayang linisan itong malaking bahay na ako lang mag isa." "Sya nga naman, Citang. Mahirap maglinis ng ganito kalaking bahay ng mag-isa lang," segunda ni Ninang Isay. Tumawa naman si Manang Citang. "Hindi kailangan linisan ni Luth ang buong bahay dahil may cleaning service na gumagawa nito isang beses sa isang buwan. Ang magiging trabaho lang ni Luth rito ay parang taong bahay lang. Parang caretaker. Linis ng kaunti lalo na sa kusina. Kailangan panatilihing malinis at walang alikabo

