***Luth POV*** "WHAT are you doing to Luth?" tanong ni Ser Elian nang makalapit na sya sa amin ni Ser Alleric. Nakakunot pa rin ang kanyang noo na parang naiinis sya. "Tsine-tsek ko lang kung may lagnat si Luth. Sabi nya kasi ay masama ang pakiramdam nya," tugon ni Alleric. "Wala syang lagnat. Masakit ang puson nya dahil may dysmenorrhea sya," ani Ser Elian. Napabaling naman sa akin si Ser Alleric. "Oh I see. Try drinking tea, particularly chamomile or ginger, makakatulong yon para maibsan ang pananakit ng puson mo," payo nya sa akin. "Napainom ko na sya kanina ng chamomile tea," turan ni Ser Elian at bumaling sa akin sabay abot ng plastic bag na may laman ng mga pinabili ko sa kanya. "I-tsek mo kung tama at kumpleto." Kinuha ko ang plastic bag at sinilip ang mga binili nya. Ta

