***Luth POV*** KANINA pa ako gising pero hindi ako makatayo dahil namimilipit ako sa sakit ng puson ko. Nakapamaluktot lang ako habang balot ng kumot at yakap-yakap ang unan. Kapag sinusubukan kong tumayo ay lalo lang sumasakit ang aking puson. First day ko ngayon kaya umatake ang dysmenorrhea ko. Hindi naman ako palaging may dysmenorrhea sa tuwing magkakaroon at paminsan-minsan lang. Kapag meron akong dysmenorrhea ay halos hindi na ako makatayo kagaya nito. Bukod sa masakit ang puson ay panaka-nakang sumasakit din ang balakang ko at naduduwal ako. Isa pa sa problema ko ay wala na akong stock ng napkin. Isang piraso na lang ang meron ako sa drawer. Nakabili naman ako ng napkin noong umuwi ako sa amin at nag-grocery kami ni tatay. Tatlong pack pa nga iyon at may pantyliner pa. Ang kaso nga

