MITSUHA LEIGH Nakauwi ako sa bahay gabi na. At si Kuya ang unang sumalubong saakin. Alalang alala ang muka nya. "Saan kaba nanggaling Suha! Nag alala ako sayo!" Sabi ni kuya saakin at niyakap pa ako. "Kuya may nangyari lang kaya natagalan ako" Sigurado kong sabi sa kanya at naupo ako sa Sofa. Nakakapagod maglakad! "Saan kaba nanggaling akala ko may nangyari ng masama sayo!" Sabi nito ng sumunod ito saakin sa Sofa. Napapikit naman ako habang sumandal sa sofa bago sumagot. "May naramdaman akong kakaiba kanina kaya ako lumabas" "Ano?! At hindi mo manlang sinabi saakin?! Ayos ka lang ba may masakit ba sayo?!" Sabi ni kuya at chinecheck ang katawan ko kaya napatayo pa ako. "Kuya I'm fine! Ang OA mo!" Sabi ko at muling bumalik sa pagkakasandal ko at pumikit muli. Pagod na ako. "Tam

