MITSUHA LEIGH Ilang buwan na ang nakakaraan at andito parin kami ni kuya sa Gubat. Agad akong tumakbo ng maramdaman ko na may papalapit saakin. Naka piring ako ngayon at nag lalaban kami ni Kuya. Napayuko ako ng maramdaman kong may tatama saaking Light power. Agad akong lumingon at binato sya ng Light power din. Ganito ako makipaglaban. Gustong gusto kong iniinis ang kalaban ko at ginagaya ko ang kapangyarihan nila para mas lalo silang mainis. Kung ano ang binato nila saakin, kung ano ang gawin nila laban saakin ay ibabalik ko. Napangisi ako ng mailagan ni kuya yun kaya muli akong tumakbo ng mabilis at umikot papunta sa likod nya at tinuhod sya. "Arrghh" Narinig kong daing nya. Lumayo ako sa kanya. "Get up! Fight me!" Sabi ko pa sa kanya at maya maya lang ay hindi ko na nar

