AVERY: Nang tumigil ang sasakyan ni Sir Lucas sa labas ng bahay na nirerentahan namin ni Mommy ay nagsimula nang bumilis ang t***k ng puso ko. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ni Mommy kapag sinabi ko sa kanya ang totoo. Ayaw ko ring isama si Sir Lucas sa loob dahil siguradong magdedemand agad ng pera si Mom lalo na kapag nalaman niyang mayaman itong si sir. "Don't be nervous." Hinawakan ni sir Lucas ang kamay ko. "Kinakabahan po ako sir," pag-amin ko. Wala namang silbi kong itatago ko pa sa kanya ang totoo dahil halata naman sa mukha ko na kinakabahan ako. "You don't have to, andito lang ako. I will talk to your mom." "No!" mabilis na pagtutol ko. Siguradong lagot kapag isinama ko siya sa loob, ipapahiya lang ako ni Mommy. "Why?" Punong-puno ng pagtata

