PROLOGUE:
‼️NOTE‼️
This is the second book of The Caldwells Series.
📕THE CALDWELLS SERIES I: THE POSSESSIVE CEO'S SECRET HEIRESS
📕THE CALDWELLS SERIES 2: HIS REDEMPTION: LUCAS CALDWELL'S SECOND CHANCE IN LOVE
********
LUCAS POV:
Napapikit ako habang nilalasap ko ang sariwang hangin sa labas ng kulungan. Sa wakas, makalipas ang tatlong taon ay nakalaya na rin ako. Alam ko na marami nang nagbago, at hindi tumigil ang mundo habang nasa kulungan ako. But I'm ready to embrace the changes. Spending three years in prison was like living in hell for me. I endured the loneliness and that's the only time when I finally realized the bitterness of life.
Lumaki ako sa yaman at karangyaan bilang isa sa mga apo ng Chairman ng HIC Group na si Henry Caldwell. Sanay ako na nakukuha ko lahat ng gusto ko, until I made the biggest mistake in my life. I disappointed my own family and the woman I love the most. Sinira ko ang tiwala nila sa'kin, I was the most horrible person at maiintindihan ko kung kamumuhian nila ako. Kasi kahit ako ay hindi ko alam kung kailan ko tuluyang mapapatawad ang aking sarili.
Being selfish is a choice kaya choice mo rin kung magbabago ka knowing that you already committed a lot of mistakes because of your selfishness.
Tumigil ang kulay itim na kotse ni ate Heather sa harap ko. Bumaba mula rito si ate Heather na nakangiti habang nakatingin sa'kin. She's my cousin sa father side, and she's the only family member I have left. Si Lolo ay matindi ang galit sa'kin dahil sa pagtatangka ko sa buhay niya, at si Liam naman na pinsan ko siguradong galit din iyon sa'kin dahil sa nagawa ko sa pamilya niya. Claire may have forgiven me, but she's trying to keep a distance from me after all that had happened at alam ko na iniiwasan rin niyang magalit si Liam.
"I'm glad you're back Klaud!" Mas lalong lumawak ang ngiti ni ate Heather nang makalapit na ito sa'kin. She's the only one na tumatawag sa'kin na Klaud, maybe because we were close kahit pa nong mga bata pa kami.
"Finally." I heaved a deep sigh of relief.
"Let's go. Saan mo gustong pumunta?" pag-aya sa'kin ni ate.
"Gusto kong pumunta sa mansyon ng mga Caldwell." Sumeryoso ang mukha ni ate dahil sa sinabi ko.
"Are you kidding me Klaud? Do you think tatanggapin ka ng Lolo mo with open arms at magpapawelcome party siya para sa'yo? He won't do that! Gumising ka!" Marahang yinugyog pa niya ang balikat ko na parang literal na ginigising talaga ako.
"Hindi naman ako magpapakita sa kanya. I just want to know if he's okay," malungkot na sagot ko. Matagal na simula nang huli naming pagkikita ni Lolo and I'm starting to miss him. Alam ko na hindi niya ako mapapatawad pero narealize ko na ang mali ko, at alam kung 'yon ang mahalaga. I will wait for the day na muli niya akong tatanggapin bilang apo niya.
"Hay naku, bahala ka nga!" napipilitang sagot ni ate.
••••••
Pagdating namin sa labas ng gate ng mansyon ng mga Caldwell ay hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking luha.
"I can't believe that you actually came here to torture yourself." Hindi ako umimik sa sinabi ni ate. Nanatiling nakatitig lang ako sa gate ng mansyon.
Nakita kong lumabas mula rito si Claire, hindi parin ito nagbabago. Kagaya parin ito ng dati, at wala paring nagbabago sa nararamdaman ko para sa kanya. I still love her, but I know I have to stop loving her soon. Mahirap pero kailangan kong gawin.
Kasunod na lumabas ang pinsan kong si Liam, buhat-buhat nito ang bunsong anak nila ni Claire. Babae pala ang dinadala ni Claire noon, at halatang manang-mana ito sa kanyang ina. Maya-maya pa ay lumabas din si Caden kasama si Lolo. Malaki na si Caden, at kung hindi ako nagkakamali ay 9 years old na ito ngayon. How time flies so fast, dati ay buhat-buhat ko pa ito. Sariwa parin saaking puso at isipan ang sayang naramdaman ko nang unang beses niya akong tinawag na Daddy. Hindi ko man siya tunay na anak ay mahal ko si Caden, hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ko nagawang kidnapin at takutin siya noon. Siguro ay masyado akong nabulag ng galit at inggit ko.
Si Lolo naman ay matanda na pero masaya akong makita na nakakalakad na itong muli. Magkakasama sila na parang isang masayang pamilya at batid kong hindi na nila kailangan ang presensiya ko para maging masaya.
They're happier on their own, it breaks my heart realizing na wala na akong lugar sa buhay nila. But I understand them, at wala akong ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko.
Nagtatawanan sila bago tuluyang pumasok sa Van ni Lolo. Siguro ay may outing silang pupuntahan. Hindi nila kami makita sa loob dahil tinted ang sasakyan ni ate Heather. At para sa'kin ay mas okay na 'yon dahil hindi pa ako handang harapin sila.
"Klaud, stop torturing yourself. East Medical Center is waiting for you. Finally maisasalba ko na ang sarili ko mula sa stress." Biglang nawala ang lungkot ko dahil sa sinabi ni ate. Natawa tuloy ako nang wala sa oras sa itsura niya na parang pagod na pagod talaga.
"I'm sorry ate," paghingi ko ng paumanhin sa kanya. For the past three years ay pinagsabay niya ang pagpapatakbo sa negosyo niya at sa negosyo ko. Kaya naiintindihan ko kung bakit sobrang stressed ang itsura niya, and I really feel sorry that I have to let her experience that hardship for three years.
"It's okay, you don't have to say sorry. We are cousins and we should help each other. Just promise me that you will no longer go back to your old self. Let go of those pains and grievances from the past," bilin niya sa'kin.
"I promise ate, I will no longer be that selfish and cunning Lucas again."