-A romance novel writer from the beautiful province of Leyte. The eldest daughter who will do everything for her family, and a survivor of many storms.
-A nonchalant and an introvert person.
-Ang aking mga kuwento ay tungkol sa pagsusumikap at pagiging matatag sa kabila ng mga pagsubok, at pagpapakita ng iba\'t-ibang uri ng tunay na pag-ibig. Pag-ibig na muling bumuhay sa pusong minsan nang nawalan ng pintig, pagmamahal na papawi sa sakit ng nakaraan at handang tumanggap at magpatawad.
Claire Margarette Villashne, one of the top designers of HIC Apparel. Nagmula sa mayamang angkan ng mga Villashne subalit kapos sa pagmamahal ng sariling mga magulang.
Kurt Liam Caldwell, the domineering and hot CEO of HIC Malls. Ang panganay na apo ni Henry Isaac Caldwell ang chairman ng HIC Group at isa sa mga tagapagmana nito.
Love will slowly bloom between them but fate will have it's playful turn in their lives. Bago pa man tuluyang maging sila ay masisira na agad ang kanilang pagmamahalan nang dahil sa isang pangyayari. Pangyayaring babago sa kanilang mga buhay at magiging dahilan para itago ni Claire ang kanyang pagbubuntis. Umalis siya ng bansa at ipinagpatuloy ang pangarap niyang maging isang doktor habang inaalagaan ang anak nila ni Liam.
At sa muling paglalaro ng tadhana, ang dalawang taong nagkahiwalay ay muling magtatagpo. Muli nga bang magniningas ang apoy ng pagmamahal sa pagitan nilang dalawa? Magagawa nga ba nilang takasan ang apoy na ito o tuluyan na silang mapapaso nito?
'The fire that ignites from within, the unstoppable burning flames of love......'
Dahil sa pagkakasakit ng chairman ng Medina Corporation ay naiwan sa pangalawang asawa nito ang pamumuno sa buong kompanya. Nawalan nang karapatan sa kompanya ang nag-iisang anak nito na si Elijah Reilly Medina. Upang ipaglaban ang kanyang karapatan at maibulgar ang katiwalian ng kanyang madrasta ay kakailanganin niya ang suporta ng pamilya McRae; ang pinakakilala at pinaka-makapangyarihang pamilya sa buong business community. Dahil wala nang ibang paraan ay napilitan si Reilly na kausapin ang head ng pamilya McRae at chairwoman ng McRae Empire upang ipakasal sa kanya ang bunsong apo nito na si Ethan. Subalit ang inakala niyang magsasalba sa kanya ay mas lalong magpapahirap sa kanya. Kakayanin nga ba niyang mamuhay sa iisang bubong at maging asawa ng cold at domineering billionaire na si Ethan? Hanggang saan ang kaya niyang tiisin alang-alang sa hangarin niya? Will she be able to melt down the ice in Ethan's heart? Will love be enough to conquer greed? And how long does it take for a broken heart to mend?
Elise Winslet's life became a complete mess when her mother died. She was forced to work as an executioner and ended up drowning her soul in the blood of the people she executed. Alam niyang mas malaki ang kasalanan niya kaysa sa mga taong pinapatay niya pero wala siyang magawa kundi sundin ang utos ng kanyang boss, ang pinuno ng Sphere Mafia Organization at isa sa pinakamayamang negosyante sa kanilang lugar. He threatened her with her sister's life, so she ended up killing people that he ordered her to kill without even knowing if they were innocent or not. Araw-araw siyang nabubuhay sa takot na mawala sa kanya ang kanyang nag-iisang kapatid. She started to fought against her conscience and mercy. Ni hindi pa nga niya naranasan kung paano ang magmahal. Subalit nagbago ang lahat nang makilala niya ang bilyonaryong si Tyler James Santiago, her last mission. She was sent by Mr. Lemuel as a substitute bride for Tyler, but her real mission was to kill him in exchange of her freedom.
Will she be able to fulfill her last mission if her heart slowly falls inlove with the man whom she intends to kill? Will she choose love over her sister and her own freedom? And is love powerful enough to free her soul from misery?
Tagalog Writing Contest - She Won't Beg Again
#TagalogWritingContest #She Won't Beg Again
Bloody and dangerous; that's how the Mafia world is described by many. Pero para kay Zara ito ang mundong nakakatakot pero kailangan niyang pasukin. Her father; a businessman admired by many, fall in the hands of the most dangerous Mafia King: Bryce Theodore Hudson. Para mailigtas ang kanyang ama ay tinanggap niya ang alok na kasal ni Bryce. Little did she know that she became his obsession 3 years ago and everything that he's doing is just to get her to his side.His obsession with her made Zara unable to breathe. Nasasakal siya sa ginagawa ng binata at pakiramdam niya ay ginagawa lang siya nitong parausan. She failed to see how much he adores her dahil iba ang paraan ng pagpapakita nito ng pagmamahal; mapusok at mapang-angkin.Will she truly understand his feelings o tuluyan na siyang masasakal at hahayaang pagkamuhi ang mamayani sa kanyang puso?At paano nga ba babaguhin ni Bryce ang kanyang ugali upang tuluyan siyang maunawaan ng babaeng kanyang minamahal?
Klaud Lucas Caldwell, ang lalaking minsan nang nabulag ng pag-ibig. Tatlong taon ang tiniis niya sa kulungan dahil sa mga pagkakamaling kanyang nagawa, he became selfish because of love. Pero sa pangalawang pagkakataon na ibinigay sa kanya ng tadhana at sa paglaya niya mula sa malamig na rehas ng kulungan ay magtatagpo ang landas nila ni Avery Villashne, ang half-sister ni Claire; ang babaeng minahal niya nang labis. Hindi naging madali ang buhay ni Avery matapos malaman ng Daddy niya na hindi siya isang tunay na Villashne. Si Lucas na nga ba ang magliligtas sa kanya mula sa masalimuot niyang buhay? And will Lucas finally found another reason to fall inlove? Will Avery become his redemption? Witness the love story of the Villain that was once hated by everyone and his Damsel in Distress.
Jasmine Ferrer Dela Torre, the loving wife of Mayor Ezekiel Dela Torre. She dedicated her life and money supporting her husband's political career. Pero ang hindi niya alam ay ginagamit lang siya nito at ang koneksiyon ng kanyang pamilya para manatili sa posisyon. Labis-labis ang pagmamahal niya sa asawa na kahit pa umugong na ang balitang may iba itong babae na ibinabahay ay hindi parin siya natinag. Patuloy siyang kumapit sa paniniwala niyang mahal siya nito at hinding-hindi siya nito magagawang pagtaksilan. Subalit ang lalaking minahal niya nang lubos ay siya rin palang magtatangka sa kanyang buhay. Ipinapatay siya nito upang tuluyan na nitong maangkin ang kanyang pera at kayamanan. At habang iniisip ng lahat na patay na siya, ay muling mabubuhay si Jasmine sa katauhan ni Scarlet Fuentes at magbabalik sa kanilang bayan bilang mapapangasawa ng Gobernador. Sa kanyang pagbabalik ay magniningas ang apoy ng mapusok at mapangahas na paghihiganti. At unti-unti niyang babawiin ang lahat ng inagaw sa kanya.