NEZZIE JANE "Vee?" Reaksyon ko nang makita ito. Napatigil ako sa ginagawa ko. Nabitawan ko ang mga papel at natuon ang atensyon ko sa kanya. Hindi ko inaasahan na darating ito at maging ang makita ko siya rito. Ilang araw na rin kasi na hindi ako nakapunta sa mansyon nila kaya wala na akong naging balita pa sa kanya. Hindi rin ito nangungulit na pumunta ako sa kanila para lang may kausap at kasama ito. Dahil no'ng nakaraan na nagpunta ako sa kanila ay panay reklamo ito. Na kesyo na-boring na raw siya at wala man lang daw na pwedeng gawin at pagkaabalahan. Wala rin daw internet. May data connection man pero sobrang hina at hindi rin daw kaya. Dagdagan pa na hindi rin sila masyado nagkaka-usap ng Papa niya dahil sa sobrang pagka-busy nito sa mga transaksyon at maging sa pagiging Mayor ni

