NEZZIE JANE Agad akong napatakbo dahil sa ginawang pagsipa ng lalaki sa pinto. Takot na takot at iyak ako nang iyak na tumuloy sa loob ng kwarto at nagkulong. Napasiksik ako sa may gilid ng higaan ko. Dinig na dinig ko pa rin ang bawat pagsipa nito sa pinto at palakas nang palakas iyon. Walang tigil at gigil na gigil. Halos gibain na ng lalaki dahil sa pagsipa nito. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Wala na akong mapuntahan. Wala na akong ibang pwedeng lusutan. Katapusan ko na yata ito. Ilang saglit pa ay nawala na ang ingay sa labas. Tumigil na ang pagsipa ng lalaki. Malamang ay nasira na ang pinto at bumukas na iyon. Sigurado ring nakapasok na ang lalaki sa loob ng bahay at hinahanap na ako. "Nezzie Jane, asan ka na?" Dinig kong saad ng lalaki mula sa labas. Nakapasok na nga

