WOOKIE Nagyoyosi ako mag-isa sa may labasan habang panay scroll sa cell phone ko. Panay hithit at buga ako ng hawak kong stick ng sigarilyo. Naka-break muna ako mula sa kanina ko pang pagmonitor doon sa CCTV Room. Naka-roving na rin ako sa ilang mga bahagi ng hotel kahit na may mga tauhan naman akong nakatuka para gawin ang mga iyon. Kailangan ko pa ring siguraduhin na secured ang bawat area of responsibility dahil mahirap na ang malusutan. Katulad na lamang no'ng nakaraan kung saan bigla na lamang nang hostage ang isang guest ng kapwa nito guest. At kaya pala ginawa nito iyon ay dahil high pala sa droga ang lalaki. Although hindi naman iyon inaasahan pero kailangan pa ring maging alerto para maiwasan ang mga ganoong insidente at nang iba pang pwedeng mangyare. Mahirap maging kampante n

