NEZZIE JANE AFTER TWO DAYS "Katapusan mo na," sabi ni Ninong habang nakatutok sa akin ang baril. Nanlilisik ang mga mata nito. Galit na galit. "'Wag! Ninong, 'wag!" awat ko pa. Napasigaw na lamang ako nang tuluyan nitong kinalabit ang gatilyo ng baril at pumutok iyon. Naramdaman kong tinamaan ako sa dibdib. Hanggang sa natumba na lamang ako. Bigla akong napadilat ng mga mata at napabangon mula sa pagkakahiga ko. Agad kong nakapa ang dibdib ko na tinamaan ng bala. Hinahabol ko ang paghinga ko. Only to realize that it was just a dream. Akala ko ay totoo na talaga na binaril na ako ni Ninong. Takot na takot ako dahil do'n. Mukha kasing totoo talaga siya. Kitang-kita ko ang ekspresyon ni Ninong. Totoong-totoo. Gano'n na gano'n talaga 'pag nagagalit ito. Mabuti na lang at isang panaginip

