WOOKIE Maaga akong dumuty. Naisipan kong mag-ikot-ikot. Agad akong nag-roving sa buong hotel. Kailangan kong siguraduhin na okay ang lahat. Pero aside do'n ay may iba pa talaga akong sadya kaya maaga akong pumasok. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang babaeng guest namin na dumating kahapon. Nacu-curious at nahihiwagaan talaga ako sa katauhan nito. Maging sa presensya at sa kakaiba nitong kinikilos kahapon. Hindi ko alam kung may pinagtataguan ito o 'di kaya ay may humahabol sa kanya kaya panay lingon at tingin ito sa paligid. Medyo may pagka-weird lang kung iisipin. At iyon agad ang napansin ko habang pinapanood ko siya sa monitor. Halos nag-extend na ako ng oras kahapon para lang bantayan ito pero after nitong makapasok sa kwarto nitong tinutuluyan ay never na itong lumabas pa. Kahit g

