WOOKIE Pasado alas-sais y media na ng gabi pero hindi pa rin ako umaalis ng CCTV Room. Halos buong maghapon na akong tumambay rito para lang mag-monitor. Ni hindi ako lumabas man lang para magbreak o mag-yosi. Hindi rin ako pumunta sa opisina ni Kim para buwesitin ito. Ayokong may ma-miss na sandali. Baka biglang lumabas doon sa kwarto ang babae at hindi ko mamalayan. Ayokong mawala ito sa paningin ko. Nakatutok lang ako sa cctv footage na kuha mula sa 4th floor kung saan naroon ito at naka-stay. Kung kailangan kong mag-extend o 'di kaya matulog rito sa CCTV Room ay gagawin ko para lang i-monitor ito. Tuma-timing lang ako para lapitan at kausapin ito. Ngayon pang alam ko na naroon lang ito. Iisang lugar lang ang kinaroroonan naming dalawa. I almost had the chance kanina nang pagbuksan n

