WOOKIE Kakagaling ko lang ng employees entrance. Nagyosi break kasi ako. Pabalik na ako nang maisipan kong daanan si Kim sa opisina nito. Tinatamad pa akong bumalik ng CCTV Room kaya mambu-buwesit muna ako sa kanya. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng opisina nito ay hindi na ako nag-abalang kumatok pa. Nagtuloy lang ako sa loob niyon. Sigurado kasing do'n pa lang ay magagalit na ito pero laking pagtataka ko nang makita ko na wala ito sa loob. Bakante at malinis ang mga gamit sa mesa nito. Wala ring bakas na naroon ito. Masyadong tahimik. "Nasaan kaya ang mokong na iyon?" biglang natanong ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung nasaan ito. Simula kanina ay hindi ko pa ito nakikita. Hindi naman iyon umaalis ng lungga nito kapag andito ito pwera na lang 'pag may mga business meeting ito na sa

