NEZZIE JANE Pagkalabas ko ng hotel ay tumakbo lang ako nang tumakbo kahit na wala akong eksaktong pupuntahan. Ang tanging naiisip ko lang ay ang makalayo mula sa mga humahabol sa akin na mga tauhan ni Ninong. Iyak ako nang iyak habang binabaktas ang gilid ng daan. May ilang tao ako na nakakasalubong at napapalingon sa akin pero hindi ko iyon pinapansin. Bahala na silang mag-isip ng kung anong gusto nila. Hindi ako lumilingon man lang. Patuloy lang ako sa pagtakbo ko kahit na nakakaagaw na ako ng pansin. Hindi ko alam kung sinusundan pa rin ako ng mga humahabol sa akin. Pero sigurado ako na hindi titigil ang mga iyon hangga't hindi ako nahuhuli. Kaya ayokong maging kampante.Takot na takot pa rin ako. Mag-isa na lamang ako ngayon. Wala na si Ivan na tumutulong at nagliligtas sa akin sa t

