NEZZIE JANE Kakapasok lang ni Ivan ng pinto. May dala itong nasa paper bag. Galing kasi ito sa labas at bumili ng pagkain namin. Hindi ko alam kung anong binili nito. Halos mag-a-alas syete na nang gabi. Nagugutom na raw ito kanina kaya napilitan itong lumabs at bumili. Nagtuloy ito sa higaan nito at inilapag ang bitbit saka inisa-isang inilabas ang laman niyon. Nakit kong puro rice meals iyon na nakalagay sa paper bowls na binili mula sa isang kilalang convenience store. May mineral water din at soft drinks na kasama. "Tara! Kain na tayo," aya niya sa akin. "Sige lang, kain ka na," tugon ko sa kanya. Hindi ako tumayo mula sa pagkakasandal ko. "Ayaw mo ba? Hindi mo ba gusto ang mga binili ko?" tanong nito. "Hindi," tanggi ko. "Medyo busog pa kasi ako. Andami kong nakain kanina. Hindi

