NEZZIE JANE Dahan-dahan akong nagdilat ng mga mata. Una agad na bumungad sa akin ay ang kisame ng kwartong kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung anong oras na ba pero tiyak ko tanghali na. Medyo nararamdaman ko na kasi ang gutom. Kumukulo na rin ang tiyan ko. Mabilis akong bumangon saka bumaling sa katabing kama kung saan natulog si Ivan kanina. Pero laking panlalaki ng mga mata ko nang makita na wala na ito roon. Wala na rin ang mga gamit nito. Malinis at maayos na ang kamang pinaghigaan nito. Wala rin ito sa loob ng CR dahil mula rito sa higaan ko ay tanaw na tanaw ko ang nakabukas na pinto niyon. Walang bakas o kaluskos na maririnig na naroon ito. Nataranta ako bigla dahil do'n. Baka iniwan na niya ako rito mag-isa. Baka nagbago na ang isip nitong tulungan ako. Baka nagsawa na ito kaka

