NEZZIE JANE Naka-upo ako sa isang sofa na nagsisilbing receiving area. Umiikot ang paningin ko sa kabuuan. Pinagmamasdan ang bawat sulok ng lugar. Naging mapagmatyag rin ako sa paligid. Ito ang unang pasok ko rito sa ganitong klaseng hotel na halatang mumurahin pero mukhang disente naman siya. Hindi naman siya katulad ng mga cheap na hotel na karaniwang pinupuntahan ng mga gusto lang mag-short time. Malayo lang din siya sa mga napuntahan kong mga hotel dati noong nag-aaral pa ako kung saan umaatend kami ng mga seminars and symposium. Nasanay lang siguro ako na iba ang tumatak sa utak ko. Matapos niyon ay nabaling ang tingin ko kay Ivan na nasa may front desk at kausap ang isang babae na nagsisilbing receptionist. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero malaman tungkol iyon sa mg

