WOOKIE Tuloy lang ako sa pagmamaneho ko. Tahimik pa rin si Nezzie Jane. Hindi ito umiimik o nagsasalita man lang. Medyo nag-alala ako bigla. Mukha kasing na-offend ito sa ginawa ko. Hindi ko naman intensyon na gawin iyon. Napilitan lang ako para patunayan na mali ito sa sinasabi nito na bading ako since hinahamon niya ako. 'Yon ang naisip kong gawin. Nagawa ko lang iyon para idepensa ang sarili ko. Pero aminado naman akong mali ang ginawa kong iyon. Hindi ako nag-iisip. Masyado akong nagpadalos-dalos sa naging aksyon ko dahil sa sinabi nito at dahil na rin sa kagustuhan kong itama ang mali nitong iniisip tungkol sa akin. Napaka-mapangahas niyon at napaka-improper. Wala sa lugar. Nakakahiya. Malamang ay iniisip nitong ang bastos ko. At totoo naman napakabastos ko sa part na 'yon. And I fee

