CHAPTER 28

1679 Words

NEZZIE JANE Nakakalayo na ang sinasakyan namin ni Ivan nang mapatingin ako bigla sa labas at mapansin ko sa salamin ng sasakyan ang isang lalaki na tumatakbo sa may 'di kalayuan at para bang may hinahabol ito. Natuon ang mga mata ko roon. Pinanood ko pa rin ito habang papalayo na kami. Hanggang sa nakita kong bigla na lamang itong napaluhod. Hindi ko alam kung bakit at kung anong nangyare. Kung nadapa ba ito o napatid, mga gano'n. Basta tumigil na lang ito bigla at hindi na tumakbo pa. Hindi ko rin alam kung sino ang hinahabol nito at kung bakit ito tumatakbo. Bigla akong na-weirduhan dahil do'n. Iba yata ang trip nito. Ang huling kita ko ay may isang lalaki pa ang biglang lumapit dito at tinulungan itong itayo. Pero hindi ko na masyado pang inintindi iyon dahil nakakalayo na rin kami.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD