NEZZIE JANE Nagkakantahan kami ni Ivan habang sakay ng kotse nito. Hindi na ng Justin Bieber song na favorite nito kundi isang awitin naman ni Yeng Constantino entitled "Chinito". Playlist ko na kasi sa cell phone ko ang pinapatugtog namin. At so far, ay pareho kaming nag-e-enjoy habang sinasabayan ang medyo upbeat na tutugin. Parehas kasi kaming pamilyar sa kanta at kahit paano ay kabisado rin namin ang lyrics. Nagkatawanan pa kami after no'n na parang mga ewan. Sadyang masaya lang kami dahil naging okay ang naging trabaho namin sa event. We had so much fun habang nagta-trabaho. Parang hindi nga trabaho kasi halos tawanan lang at kulitan lang kami habang kinukuhanan ng mga pictures ang mga bisita at ang mga ganap sa events. Na naging dahilan din kung bakit ang gaganda ng mga ngiti at m

