WOOKIE Nasa kalagitnaan na kami ng board meeting at kasalukuyang nagsasalita si Joaquin sa harap namin para sa presentation nito nang biglang mapatigil ito. Maging kami na naroon na mga kasama nito ay nagulat din dahil sa nakakabingi at nakakaalarmang tunog na bigla na lamang umalingawngaw sa buong hotel. Tumunog kasi ng malakas ang fire alarm dahilan para kami ay matarantang lahat. Isa lang ang ibig sabihin niyon may sunog na nagaganap at hindi namin alam kung nasaan. Napatayo kaming lahat at kanya-kanyang naghanda para bumaba. Kailangan na naming makalabas at abisuhan ang kanya-kanyang mga department na hawak para makalabas at hindi magpanic ang lahat. Tatawagan ko na sana ang mga tauhan ko para alamin ang nangyayare nang sakto namang may natanggap akong tawag mula sa earpiece ko. Na

