PROLOGUE
PROLOGUE
"Sabi ko naman sa inyo huwag niyo na akong samahan mag-cutting," Kyle murmured habang nakatambay sila sa paborito nilang spot sa Crisanta Park, tago sa likod ng admin building ng Mirem State University.
"Sus," irap ni Luna habang inaayos ang lipstick gamit ang maliit na salamin. "Akala mo naman kaya ka naming iwan. Eh boring lang sa klase ni Miss Vargas."
"Tinatamad din ako makinig," dagdag ni Nova na nakahiga sa bench, naka-shades kahit walang araw. "Tutulugan ko lang 'yon, tas mahuhuli ako. Mapapahiya pa ako."
Napangisi si Kyle.
Ganito sila palagi—palaging sabay-sabay sa kalokohan. Palaging may dahilan para umiwas sa gulo, kahit madalas... sila rin ang may dala ng gulo.
"Okay na 'yung report ko sa kanya," ani Kyle sabay bagsak ng katawan sa bench. "So technically, I'm done with that class."
"Pero hindi pa tapos ang sem," sabat ni Nova, sabay taas ng kilay.
"Wala akong pake."
Tumawa si Luna. "Palagi kang ganyan. Pero honor student ka pa rin somehow."
"Perks of being me," sagot ni Kyle na may ngisi.
Nagkatawanan silang tatlo. Ilang minuto ng katahimikan at hangin lang sa paligid. Tapos... bigla.
"How are you and Shane?" tanong ni Nova habang ngumunguya ng chicharon.
Napalingon si Kyle sa kanya, kunot-noo.
"Bakit mo naman natanong?" balik tanong niya.
"Wala lang. Curious lang ako. Parang ang complicated kasi n'yong dalawa."
"Complicated?" ulit ni Kyle, leaning forward. "Why would you say that?"
"Well... ikaw ang pinaka-walang pake sa klase, pinaka-hindi interesado sa mga orgs or leadership roles... tapos siya, Governor ng College of Engineering."
"Tsaka, girl," sabat ni Luna. "Ang daming may crush kay Shane. Pero never siyang nakitang may nililigawan. Walang rumors. Walang post. Tapos ikaw pala." Nagbato pa ito ng smirk.
"Secret relationship 'yon, 'di ba?" bulong ni Nova, now genuinely curious.
"Secret lang kasi may reputation siya. And I don't want to ruin that," sagot ni Kyle flatly. "I'm already enough of a mess."
Tahimik ang dalawa. Hindi niya sinadya na magtunog bitter, pero siguro lumabas talaga sa tono niya.
"Kayo pa rin?" tanong ni Luna.
Tumango si Kyle.
"For now," sagot niya.
"For now?" halos sabay nilang tanong.
"Gano'n talaga. May mga bagay kasi siyang hindi sinasabi. At may mga bagay din akong hindi rin masabi."
"Like what?" tanong ni Nova.
Napatingin si Kyle sa langit.
"Like why he hates hiking."
Bumalik ang tingin niya sa kanila at napangiti. "That's the only thing that keeps me sane."
Hindi nila alam. Wala talagang may alam. Pero every time she hiked... she remembered. She felt alive. She felt home.
And maybe one day, malalaman din ni Shane kung bakit gano'n kahalaga sa kanya 'yon.
Or maybe...
Malalaman na rin niya kung bakit galit na galit si Shane sa ginagawa niyang'yon.