#ESN02: My friends, my home
Freya Kassandra Floresca
~•~
"Good Morning, ABM 12-1!"
Nagsimula ang aral na lumulutang ang utak ko kaya buong oras akong walang maintindihan. Inaantok ako. Kulang kasi ako sa tulog.
Yesterday was Sunday and I spent the whole day letting my sister throw punches at me. Some bruises on my body still hurt, but it's all bearable because I'm already used to it.
I stood up from my seat and decided to go to the washroom to wash my face with cold water; to wake up my sleepy mind.
Demetrial University has 3 buildings for Senior High students. Magkasama ang ABM & STEM sa isang building, sa 2nd floor ang STEM at sa 3rd floor naman kaming mga ABM. Tapos may rooftop. Ground floor includes the teacher's offices, at lahat ng palapag ay may sari-sariling banyo.
When I finally entered the washroom, I immediately soaked my face in cold water for my mind to be awakened. Nagtali na rin ako ng buhok bago lumabas ng banyo dahil gusto kong nalalamigan ang leeg at batok ko ng aircon sa classroom namin.
"Freya, takbo!"
Napalingon ako sa likuran nang marinig ko ang sigaw ng isa sa mga kaibigan ko, Krypton Wylan Demetrial.
Hinihingal siyang tumatakbo papunta sa 'kin, para siyang may tinatakasan.
Nang makalapit siya sa 'kin ay hindi siya huminto, hinila pa niya ‘ko kaya napasabay ako sa pagtakbo niya.
“Saan tayo pupunta? Bakit tayo tumatakbo?” Nilingon ko siya sa tabi ko at sinimangutan. “Krypton, may klase pa ‘ko!”
Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy kaming tumakbo. Hindi ako maka-angal o makahinto dahil mahigpit ang kapit niya sa palapulsuhan ko.
Sa tagal ng tinakbo namin ay nakarating kami sa rooftop. Leche. Pagod na pagod ako! Ika-apat na palapag ang rooftop na 'to at buong hagdan naming tinakbo 'yon! Hinabol ko ang sarili kong hininga bago ko kinurot ng sobrang diin ang braso ni Krypton.
Agad naman siyang napangiwi. "Gago, bakit ka nangungurot?!"
Pinagpatuloy ko ang pagkurot ko sa kanya, mas diniinan ko pa.
"What are you up to? Dinamay mo pa 'ko sa pagtakbo mo," sagot ko, pinipigilan matawa dahil halos mamula na ang kanyang braso sa ginagawa ko.
Padabog niyang inilayo ang braso niya sa 'kin. Hinayaan ko nalang din dahil napansin kong medyo dumugo na pala ng kaunti yung balat niya sa kurot ko. But instead of apologizing, natawa nalang talaga ako.
"Gago. Dumugo.” Krypton frowned upon seeing his small scar. “Inggit ka talaga sa kinis ng balat ko kaya sinusugatan mo 'no?" He wiped the blood with his small bench bath towel.
"Akina na nga," sabi ko at inagaw ko na sa kanya yung maliit niyang bench towel. Ako na mismo ang nagpunas sa dugo sa balat niya. "Sorry, ah."
He softly chuckled and patted my head. “Ayos lang.”
"Bakit ka ba tumatakbo at bakit mo 'ko dinamay? May klase pa 'ko, nag banyo lang ako kanina."
He wiggled his eyebrows. "Rereklamo ka pa, gusto mo rin naman makapag skip ng class." Sinundot pa niya ang tagiliran ko.
Sinimangutan ko siya at muli siyang napakamot sa ulo nito nang mapagtantong hindi na 'ko nakikipagbiruan sa kanya. Gusto ko talagang malaman kung bakit siya tumatakbo kanina, mukha talaga siyang may tinatakasan. Trouble-maker pa naman ang isang ‘to, paniguradong may ginawa nanaman ‘tong kalokohan na tinakasan niya lang.
"Naiinip ako kanina sa vacant time namin. Tapos nanood akong Train To Busan, ta's naisip kong umarteng hinahabol ng zombie." He shrugged both of his shoulders. "Tapos nakita kita… magpasalamat ka nalang sa 'kin at niligtas kita sa mga zombie!" Natatawang palusot niya.
“Train to busan my ass. Nagdadahilan ka lang, eh! Ba’t nga?”
“Ah, basta.”
"Umamin ka sa 'kin, ano talagang dahilan—" My eyes widened a bit as he suddenly pulled me behind him.
"Ayan, sinasabi ko na nga ba’t totoong may zombie! Ayan, papunta na sa 'tin.” Tinuro niya ang paparating na si Lyrichael. "Hoy Lyric, 'wag kang lalapit kay Freya. Alam kong bilang zombie si Freya magiging first target mong kagatin." Todo halakhak na salita ni Krypton.
I saw Lyric frowned.
"If I would've the chance to bite a girl, Freya Floresca would never be on my list. Baka ako pa yung malason,” he answered while walking towards our direction.
"Ang kapal ng mukha, Lyrichael, ah?" I exclaimed and he was about to answer, but all of us suddenly turned our attention at the door because Josh Ashton Mancenido came in. Si Joash.
"Mga bunganga niyo. Paakyat palang ako dito rinig na rinig ko na mga sigawan niyo,” Joash said while shaking his head and chuckling at the same time.
Tinabihan ako ni Lyric at inakbayan. "Kararating ko lang din dito, itong dalawa talaga yung maiingay." Tinuro pa niya kami ni Krypton.
I noticed how Krypton was about to open his mouth to speak, but he immediately looked straight at the rooftop's door when someone opened it after Joash closed it.
"Finally I found all of you." Veronica Biann came in, too.
She looks exhausted... her face and neck were sweating, yet she still looks gorgeous and sexy.
Her long wavy hair, thick eyebrows, upturned eyes with a little bag under it that doesn't look bad on her, pointed nose, and her triple lobe upper lip with a nude shade of lipstick were flexing this morning.
That's the girl who I wanted to become. Gorgeous, sexy, smart, brave, confident, and kind.
Siya yung tipo ng babaeng kinahuhumalingan ng mga lalaki, at hinahangaan ng mga babae.
Hindi ko minamaliit ang sarili ko. Maganda rin naman ako, matalino at mabait. Pero kung ikukumpara sa kanya? Alam kong walang wala ako. We're both different. They call me mestisa for having a white skin but they didn't know my skin was just clearly pale. Putlain lang ang balat ko at hindi maputi, habang si Biann naman ay morena.
I am the complete opposite of her: I have straight hair, soft arch eyebrows, celestial nose, and a heart shaped lips. Most of the students here love to compare me with Biann because of our differences. Some would say that Biann's beauty is more mature and appealing than mine. But I'm still thankful to have her as my friend, because so what if she's better than me? Do I need to compete with her? Hell no. I may have a lot of insecurities running through my head but I will never ever hate on someone with no acceptable reason.
I used to be pretty confident about myself before, but not anymore. Habang tumatagal ay unti-unti akong nawawalan ng kumpiyansa sa sarili. Ngunit sigurado akong maibabalik ko pa naman iyon kung pagtutuonan ko ng pansin ang sarili.
I know this isn't easy enough to learn, but I'll make sure I'll gain my confidence again without bringing other people down. I’ll never bring other people down, especially my friends. No matter what happens.
“Gosh.” Sweats were dripping from Biann's head which made Krypton automatically run towards her.
Agad naman pinunasan ni Krypton ang pawis ni Biann gamit ang sariling panyo.
"Tubig oh, inom," sabi ni Krypton matapos niyang kunin ang water bottle sa bag niya na agad niyang inabot kay Biann.
Bigla akong inakbayan ni Lyric.
"How's your weekend?" Masuyong tanong nito sa 'kin at sinagot ko lang siya ng 'okay lang' at isang simpleng ngiti. There's no way I would tell him what's really happening to me every weekend. They’re aware about some of my personal problems & struggles, but my job every Saturday Night is something I’d never let them know.
Paniguradong magtatanim lang ulit sila ng sama ng loob sa ate ko kapag nalaman nila iyon. I don't want them to hate my sister... she still deserves to be loved despite her hatred towards me.
"Wala na bang klase?" I asked when I looked at my watch, and found out it's just 9am in the morning. Class hour pa, bakit kompleto kami dito sa rooftop?
"May biglaan na meeting ang mga teachers for one hour," Biann answered.
"Tumambay nalang muna tayo dito," sabi pa ni Krypton. Tumaas ang kilay ko sa kanya. Feeling ko talaga may tinataguan o tinatakasan ang isang 'to. Hindi ko nalang siya kukulitin tungkol do’n. Kung ayaw niya sabihin, ‘di naman ako mamimilit kasi desisyon naman niya iyon.
"I agree. Wala rin naman tayong gagawin sa room ngayon," Joash replied as he only refers to me, Biann, and Lyric. Hindi kasi namin kaklase si Krypton. HUMS track kasi siya habang ABM naman kaming tatlo, kaya laking duda ko talaga kung anong ginagawa ni Krypton sa building namin. Sure talaga akong may tinakasan ‘to.
Biann raised his brows at Krypton. "Eh ikaw? Baka mamaya may ginagawa pala kayo sa room niyo?"
Krypton shook his head. "Meron pero tapos ko na."
"Sinungaling," tumatawang nang aasar na sagot ni Lyric. "Parang ang labo na may tinapos kang gawain on time?" Dagdag pa niya.
"Sinabi ko bang on time ko tinapos?" Sumilay ang nakakalokong ngisi sa mukha ni Krypton. "That was due last week, but I finished it this morning."
Awtomatikong binatukan siya ni Biann.
"Krypton hindi porke't pamangkin ka ng principal ng school na 'to, eh magpapabaya ka na sa studies mo ha!"
Sumimangot naman si Krypton habang tawang tawa lang kaming lahat. Favorite scene kasi talaga namin ‘to; kapag pinapagalitan at binabatukan ni Biann si Krypton.
"Grabe, Veronica Biann? Late ko lang tinapos yung activity namin nagpapabaya na agad? Baka nakakalimutan niyong top 9 ako sa section ko—"
"Top 1 ako sa ABM, top 2 si Biann, top 3 si Freya, at top 4 si Joash. Baka gusto mong mahiya?" Nanunuyang saad ni Lyric habang panay tawa si Joash sa sinabi niya.
Tinikom ko lang yung bibig ko kahit gusto kong tumawa kasi nakakaasar talaga yung tono ng pananalita ni Lyric sa kanya, pero pinigilan kong makitawa dahil mukhang pikon si Krypton ngayon.
"Ang sama niyo sa 'kin palagi," Krypton acted so offended. "Kapag ako talaga naging top 1 sa HUMS isasampal ko sa inyo ang achievement certificate—"
"Ginagawa hindi dinadakdak," 'di ko naiwasang sabihin dahilan kung bakit natawa na rin si Biann.
Krypton frowned at me. "Mas gusto ko talagang tahimik ka nalang d'yan sa isang tabi.
I showed him my tongue and mouthed 'bleh' at him. Patuloy na tumawa sina Joash at Lyric habang si Krypton ay napipikon na talaga. Kadalasan kasi, siya ang madalas mang asar. Kaya kapag ganitong nagkakaroon kami ng chance na asarin siya’y sinasagad na talaga namin dahil minsan lang mapikon ang lalaking 'to.
We all decided to take our time here on the rooftop, eating some snacks, and having fun with the conversation we're currently having. We moved on from teasing Krypton because we're already talking about some funny experiences that happened in our lives. Sobrang random kasi namin magkwentuhan kapag magkakasama kaming lahat.
I let out a heavy deep breath as I started to stare at them one by one. The more I realized how lucky I am to have them, the more I feel more scared about losing them. Who knows about the future? For sure, I'll also lose them as a part of my selfishness in order to find myself again.
~•~