"Baka mamatay kang Virgin nyan, Olivia?"
I sighed at sinimulan ng magsulat sa blackboard. Naririnig ko ang ingay ng mga dalaga at binatang estudyante ko.
Tawanan dito. Sigawan dyan. Kalabog ng lamesa at palakpakan.
Highschool students hays.
Yes. I am a Science Teacher in Highschool. Pwede akong magturo ng kahit anong konektado sa Science.
"Maam ang yummy nyo daw po sabi nitong si Bagonon!"nilingon ko si Peralta at itinuro ang kaklase nya.
Hawak hawak ko pa ang Libro ko at kasalukuyang nagsusulat ng ilang terms sa Biology. Inilapag ko muna ito sa lamesa ko at tinitigan sila.
"May nakakatawa ba class?"tanong ko. Napatahimik naman ang mga ito.
"Class , Dont You know na pwede ko kayong ibagsak sa ginagawa nyo? Where's the manners?"I asked them. Alam kong hindi sila nagsasalita. Pero Deep inside , some of them or most! Ay gustong gusto na akong sagutin.
"Bagonon and Peralta , hindi ko kayo kaagad pauuwiin mamaya , Isasama ko kayo sa Guidance office"I smiled at them.
Nanahimik ang lahat. Yung tipong after mag ingay eh , Painosentehan.
"Maam napagtripan lang naman po ako , Alam nyo pong tahimi---"pagdadahilan pa sana ni Bagonon.
"I will let You explain later , But for now magdidiscusss muna ako"Pinagaralan lang namin ang reproductive system kaya buhay na buhay nanaman ang energy ng mga estudyante ko.
"Goodbye , Ms. O"After they said that ay nagsialisan naman na sila. Pero kagaya ng napagusapan ay naiwan ang dalawang mokong.
Nilapitan ko sila.
"Maam , let me expl--"
"I know Bagonon wala kang kasalanan."I smiled at him saka ako tumitig kay Peralta.
" Peralta , hindi ko na paabutin ito sa Guidance office pero sana wag na 'tong maulit?"tanong ko nilapitan ko sya dahil nakayuko sya.
"Adviser nyo ko , At ang gusto ko lang ay matuto kayo sakin at hindi mapahamak. Ayokong mambastos kayo ng mga babae . Dahil tandaan nyo may nanay at kapatid din kayo."mahabang sabi ko napatango naman silang dalawa.
"S-sorry maam , hindi na po mauulit!"sabi ni Peralta kaya ipinatong ko ang kamay ko sa ulo nya at ginulo gulo ang buhok nya.
"Pinapatawad na kita"napatingala naman sila at nahihiyang napayuko ulit.
pinauwi ko naman agad ang dalawa at saka ko inayos ang gamit ko.
Birthday ngayon ng bespren kong si Barbie.
Ganda ng name no?
Actually his real name is baron! Ang manly right?
Baron sa umaga Barbie sa Gabi . I laughed.
He is a Gay. Pero mahal na mahal ko yung baklang yun.
Ngayong gabi sa Bar mismo nila gaganapin ang birthday nya since mayaman naman ang Bakla e kay may sariling bar.
Take note! Sosyaling Bar at yayamaning Tao lang ang madalas nandun.
Tinawagan ko muna sya at kinumpirma kung tuloy nga.
"Hoy bakla!"bati ko sakanya ng tumatawa.
"Hoy babaeng bakla , ganda naman ng bungad!"natatawa din naman sabi nya.
"Happy birthday baklang daks!"pangaasar ko pa sakanya.
"Salamat babaeng Nilalangaw na ang keps!"and he laughed. Kaya naman kahit di nya ako nakikita ay napanguso ako.
So?
"Tuloy ba yung celebration mo? papunta na kasi ako"tanong ko pa.
"Oo bakla! Suot mo yung black na dress na binigay ko sayo ah? Ng madiligan na yang tuyot mong Lupa!"agad ko naman syang sinigawan.
"Hoy , kahit ganto ako Baron sinasabi ko sayo madaming may gusto saakin! Gusto ko lang talagang ingatan 'to!"totoo naman eh.
I sighed.
Yes. Parang simula ng inasar ako ni Brandon. I want to feel it na.
Pero ayoko munang pumasok sa ganyang mga bagay.
Kaya lang narealize ko na tumatanda na din ako 28 yrs old na ako at malapit ng mawala sa kalendaryo ang edad ko and still im a virgin.
Argh.! Pinalaki ako ng mga magulang ko ng may dignidad! Ano ano ba itong mga naiisip ko!
"Baka mamatay kang Virgin nyan, Olivia?"pananakot ni Baron kaya napalunok ako.
Bakit ba bigdeal sakin yun? Kabilinbilinan kasi saakin ng nanay ko na sa lalakeng papakasalan ko lang ito ibibigay.
And the worst part walang pumapasa sa standards ko!
Sa loob kasi ng 28 years ang dami kong nireject at kahit isa doon sa mga manliligaw ko wala akong sinagot.
Reasons?
Inaayos ko muna ang mga priorities ko . Career and family.
Kaya ito ako.
Walang first kiss. Walang holding hands wala! Wala ni isa akong naransan !
Kaya nakakaiyak !
Baka tumanda na kong dalaga?
Napailing iling ako sa mga naiisip ko.
"B-baron ! Tandaan mo. Kagalang galang akong guro at wala sa isip ko yan!"narinig ko ang pagtawa ni Bakla sa kabilang linya.
"Okay , okay sabi mo eh pero suot mo na din yan baks! Hindi required losyang dito"aniya bago inend ang call.
Sinong Losyang ako?!
Dali dali akong nag ayos at pumuntang Cr. Isinuot ko din ang kulay black na dress na sinasabi nj Baron. Pang sexy nga ghadd!
"Maaam?"tanong ng mga batang naakita sakin dali dali naman akong bumalik sa cubicle.
Ghadd ang kapal pala ng make up ko!
Teacher nga pala ako sa school na to bakit ganto ba ako manamit!
Kinuha ko muna ang jacket ko upang ipantakip sa katawan ko papalabas ng school.
Para hindi ganoon kadaeing tignan yung suot ko.
Dali dali naman akong nakatawag ng Taxi. Wala pa sigurong 40 minutes ay narating na namin ang Bar ng kaibigan kong si Barbie! Gabi kasi eh . I laughed.
Syndrome Bar. Ang nakalagay sa Tuktok nito. Dali dali naman akong nagbayad sa Driver at bumaba na.
Ang ingay ng mga tugtugan ay rinig na rinig mo na mula sa labas palang.
"Goodevening maam"bati saakin ng bouncer na si Karl. Ang macho nya kaya lang para na syang aso. I laughed at my thought at tumango sakanya.
Since madalas ko naman bisitahin dito ang kaibigan kong bakla kaya kilala na rin ako ng mga bouncers nila dito .
"Ang babaita nandyan na!"sigaw pa ni Bakla at lumapit saakin . Agad napa O ang bunganga ko ng makita ko sya.
Ang ganda nya! Parang hindi sya bakla kungdi lang sana sya nagsalita!
Blonde hair. Napakagandang kurba ng kilay , dark red lips. Pak na pak na blush on! Mahabang pilik mata. Wow. Pinaghandaan ni Bakla!
Ang bongga pa ng damit nya dahil nakatube lang sya pero kumikinang kinang sya kulay silver ito. At napakaikli. Barbie na Barbie!
"Oh regalo ko!"sigaw ko sakanya dahil sa lakas ng music ay hindi nya na ako maririnig. Kinuha nya naman ang regalo ko sakanya saka bumeso saakin.
"Sino ngayon ang mukhang shuding!"aniya pa natawa nalang ako atsaka sya kinurot sa tagiliran. Muntik pa ngang tumagilid si Bakla dahil napakataas ng Takong nya.
Dinala nya naman ako kasama ng mga Tropa nyang beki. Iilan lang ang mga girls at may mga boys pa!
"Oh Guys! here's Olivia! Bestfriend ko since babae palang ang hanap ko!"nagtawanan naman silang lahat kaya kinurot ko ulit ang tagiliran ni Baron.
Some of them ay hot. Pero duh! Unsure naman ako sa Totoong gender nila..
Nakipagbeso at nakipagshake hands naman saakin yung iba.
"Hi bakla ka din?"tanong ng isang lalake saakin. Pinagtaasan ko naman sya ng kilay. Eh sya nga itong nakaakbay sa bakla edi sya ang Gay samin hindi ako!
Mukha ba akong bakla?!
"Hoy! Para sabihin ko sayo ! Hindi moko kauri! Ikaw ang bakla hindi ako!"inirapan ko sya .
Napatitig naman saakin ang Lahat. Ano ba naman kasi itong term ko sa kauri!
"Hehe , Pero ang gaganda nyo guys mas maganda pa kayo saakin!"pagsegway ko nalang natawa naman yung nagtanong saakin. Yare ka sakin! Porma porma ka pang lalake bading ka naman!
"Halika nga dito pinagsasasabe mo dyan! Pagpasensyahan nyo na 'to virgin pa kasi!"pagkasigaw ni Baron nun ay agad akong napapalo sakanya . Pero huli na dahil lahat sila ay magtatawanan na.
"Siraulo ka talagang bakla ka"bulong ko sakanya pero alam kong hindi nya maririnig!
"Hubarin mo nga 'yang Jacket mo bakla ka! Pano ka makakahuta ng Didilig sayo?"natatawnag tanong ni baron sakin. I just gave him my coldest stare.
Wala naman akong nagawa dahil ang korni ko naman diba kung hindi ko gagawin. Kasi halos lahat sila pormang porma!
Nakailang inuman pa kami at tawanan. Lahat sila may partner.
Ano ba kasing nangyare saakin?
I sighed. Breadwinner kasi ako ng pamilya noon kaya wala akong oras para magmahal.
I sighed at muling tumungga ng Vodka.
Nagvibrate ang Phone ko. To my surprise text mula ito kay kuya Joey.
Kuya joey
Oli , Pahingi naman 1k bukas pang gatas lang at pangbaon sa mga pamangkin mo salamat. Hindi kasi ako makahingi kay Martha.
I sighed at nagreply. Ubos nanaman pala ang binigay ko nung nakaraan. Pero ayos lang yan mahal ko naman mga pamangkin ko eh.
Tumungga ako ng tumungga ng Vodka hanggang sa hindi ko namalayang nalalasing na pala ako.
"Hoy bakla keri mo pa jan?"tanong sakin ni Baron . Tumango naman ako at nagOkay sign."Sige balikan kita may gagawin lang kami nitong bebe ko!"malanding sabi nito. Kahit lasing na ay nandidiring natatwa pa din ako.
"Hi gorgeous , Are You alone?"nakarinig ako ng boses at ng titigan ko ang mukha nya shets ang gwapo!
"Oo alone! 28 yrs ng alone!"he just laughed at pinaikot ang kamay sa waist ko.
"Would you mind , if i Joi---"
"She's not alone , She's with me"nagbblur blurr na ang paningin ko. Pero alam kong gwapo din yung nagsabi noon.
"Aye sorry"aniya saka umalis.
Hindi ko alam kung bakit pero nung umupo sya sa tabi ko ay tinitigan ko sya .
"Sino ka?"tanong ko pa.
"Ako yung hinihintay mo sa loob ng 28 years"natatawang sabi pa nya.
"Wow ha! Pero pwede na din gwapo ka din eh!"natatawang sabi ko rin.
This is it. Wala naman sigurong masama matanda na rin ako eh.
Lakas talaga magpaconfidence ng alak.
"Can I kiss you?"tanong ko sa lalakeng nasa tabi ko tingin ko gwapo talaga sya eh .
"H-ha?"tanong nya pa."O-oo naman!"napangiti ako and with that ay ikinawit ko ang magkabilang braso ko sa leeg nya at dahan dahang pumikit saka inilapit ang mukha ko sakanya. Saka idinikit ang labi ko sakanya. Waaaaaaaah! Ang lambot! Shetness! Ganto pala ang feels.
Naramdaman ko ang pagyakap nya sa likod ko. Hinatak nya ako mas papalapit sakanya at iginalaw nya ang labi nya.
Hala ? Anong gagawn ko?! Bakit gumagalaw yung labi nya?!
Paano yun?!? Para namang bata na hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako makahabol sa mga halik nya.
Naramdaman ko ang pagtawa ng lalakeng ito. At nang idilat ko ang Mata ko ay doon ko lang nakita ang lalakeng nakahalilan ko.
Teka?! Bat ngayon ko lang napansin! Parang nawala yung pagkalasing ko!
Sya yung lalakeng tumawag saaking Bakla!
"Tama nga si baron. Virgin ka pa nga!"Tawa naman sya ng tawa samantalang ako ay punas ng punas sa labi ko. Hilo parin ako pero nangingibabaw pa rin ang pagkainis ko sa lalakeng ito.
"Hoy ! Tantanan moko! Hindi totoo yang mga---"
"So hindi ka na virgin? Sige . Tara na sa bahay namin."aniya pa ng tumatawa. Teka ano? Hindi pako ready!
"Virgin pako!"sigaw ko natawa nanaman sya at pinagtawanan naman ako ng mga nakarinig saakin.
Myghaddd!
Kailan pa naging issue ang virginity!
"Awe sorry miss"singit nya pa ulit."So ako pala first kiss mo?"tanong nya pa ng nagyayabamg naiinis naman tinititgan ko sya."Niloloko lang kita san ba yang bahay mo . Ha?!"tanong ko ng naiirita!
"So its a deal pala ah? Let's go na"hinila nya ako sa may kamay at mabilis na hinatak papalayo.
"B-bakla ka diba?!?"tanong ko pa.
He just laughed "No"aniya hanggang sa makarating kami sa sasakyan nya
Wth? Susuko ko na ba ang bataan! Susmaryosep!
Nanginginig ang Laman ko. Mamaya kasi ang sinamahan ko ay sindikato pala saka. Alam nyo yun. Natatakot ako.
Ang tagal kong iningatan 'to tapos? Uwaaaaah. Isang gabi lang ganun ganun nalang?
"Take it easy"natatawang sabi pa nya. Sineatbeltan nya ako. So it means wala na talaga akong kawala.
Nahihilo hilo pa rin ako. May mga sinasabi pa sya pero hindi ko na naintindihan pa.
Hanggang sa huminto na ang sasakyan nya. Ang bilis bilis ng t***k ng puso ko.
Lumabas sya at papunta sa kabilang pinto para pagbuksan sana ako.
Teka paano ba magdrive ng makatakas na ako?! Uwaaah.
"Ay!!!!!"napatili ako ng buksan nya ang kabilang pinto ng sasakyan at ioffer ang kamay nya.
"Let's go na?"natatawang sabi nya.
"A-ano kasi eh. Hindi pa ako ready "sabi ko ng nakangiti. Nakita ko ang pagngisi nya . Myghadd mamaya killer pala to ah! Tas ano ng gawin sakin!
He just laughed at hinawakan ang kamay ko. "Akala ko ba hindi ka na Virgin?"natatawang tanong nya.
Napangiti nalang ako sakanya.alalaman din naman nya mamaya.
Ginusto mo yan Olivia . Wag kang ano.
Naglakad kami papasok sa bahay nila and infairness malaki ito. May mga guards pa. Dinala nya ako sa loob ng mapalasyong bahay nila. Habang sya ay tawa naman ng tawa.
Saka kamk pumasok sa isang kwarto na kasing laki na ng bahay namin.
Ito na! Itong kwartong ito ang magiging saksi ng pagkawala ng pinakamamahal kong bataan.
"What do you prefer baby? Light's on or off?"tanong nya pa.
"K-kahit ano"nanginginig na sabi ko. Ngumiti naman sya atsaka sinimulang tanggalin ang Tshirt. 6 pack! Bes!
Napalunok ako ramdam ko na ang init ng alak at kaba sa dibdib ko.
"i prefer Light's on baby"with that ay hinalilan nanaman nya ako. What the heck!
Hindi talaga ako makasabay huhu! Nagulat ako ng buhatin nya ako.
"uwaaaaaa! Baka mahulog ako!"sigaw ko pa natawa nanaman ang loko!
"i'll catch you no worries"inihiga nya ako sa kama at hinalikan ulit.
Ano ba to! Myghadddd!!!!!!!!!
Naramdaman ko ang pagngiti nya sa mga halik nya. Kahit na hindi ako makasabay ay kahit papano nasusundan ko na kung papaano sya hahalikan. Ang sarap ng labi nya.
Mygosh!
"Good student"aniya pa ng tumatawa.
After that ay naramdaman ko ang halik nya sa leeg ko. Halong kiliti at sarap ang naramdaman ko.
"Hahahhahahaha! Teka saglt!"natatwang sabi ko at inalis sya.
Tinitigan nya naman ako.
"W-why?"tanong nya pa. Namumula na sya.
"W-wala "ngumiti naman sya at hinalikan ako ulit kaya lang natawa nanaman aki.
"Saglit ahhahahahahahha!"tiningala nanaman nya ako.
"Ano nanaman?"tanong nya pa ulit.
"Ah eh. Baka kasi mamaya may aids--"
"Im clean ok? Can we proceed?"taning nya . Napatango nalang ako.
Nagulat ako ng maramdaman kong inaunhoook nya ang bra ko. No.
Ayoko!
Kaya tinadyakan ko sya . Ayun nahulog sya sa kama! Hindi ko pa pala talaga kaya !
Nagsisisi na ako ngayon palang!
"Aray!"narinig kong daing pa nya at ng silipin ko sya doon ay nakahandusay na sya sa sahig.
Akala ko magagalit sya . Pero ako ata ang naprank. He just laughed at lumapit sakin.
"B-baliw ka ba?"tanong ko ng nakatakip saakin ang kumot.
Baka kasi humirit pa eh!
"I'm just kidding You. I wont take your virginity."natatawang sabi nya. "Ayoko lang na may makakuhang iba. Because You'll be mine soon"and right after he said that ay hinalikan nya pa akong muli.
A-ano daw? Ako magiging kanya?
I dont know bakit parang nagugustuhan ko ang halik nya. this time mas malumanay at mas mapagingat. This is the first time I feel those electricity insidey body. And those butterflies in my stomach.
Hindi ko akalaing sya ang magiging first kiss ko.
Wth nakakalunod!
--
#Whatd'yahThink?