"Maam ikaw pala ang Gf ni kuya?"
It was not a typical morning for me. Bumangon ako mula sa kama. Masyado kasi akong nabibigatan sa nakapatong sa balakang ko. Parang hita.
Teka? Dito nanaman ba nakitulog si Martha sa kwarto ko.As I opened my eyes. I saw a guy . A hot guy to he exact.
He is halfnaked sleeping besides me!
S-sino sya?!
"Magnanakaw!!!!!!!!!!"sigaw ko pa at sinipa sya. Wtf.
Who is he?
Tulog na tulog pa sya ah?!
Take note! Ang himbing ng tulog ng ulupong na to!Narinig ko ang pagbagsak nya sa sahig .Tinitigan ko din ang mga damit na suot ko.
Bakit ako nakadress?!
"Argh! Pangalawang beses na yan ah!"narinig kong sigaw nya saakin at dali daling bumangon at bagot akong tinitigan.
Nanlaki naman ang mata ko at bumalik lahat sa memorya ko ang nangyare kagabi nung makita ko ang mukha nya ng maayos.
Napalinga linga pa ako sa paligid ko Just to confirm na hindi ko nga kwarto ito.
"S-sino ka?"tanong ko ng maang maangan pa. Magpapanggap nalang akong walang maalala sa kalasingan ko.
Dahil hindi ko matake yung ginawa ko!
Myghadd!
"Wow! Really? Hindi mo 'ko kilala?"he asked sarcastically. Yung halik. Yung mga kalandian ko na parang hindi babae ang gagawa! At yung pagsama ko sa kumag nato!
H-hindi yun panaginip?!
Wth!!! Hindi ko na maalala ang iba pang mga bagay.
"A-ah oo eh. Hehe"Pagdadahilan ko at iniwas ang tingin."Pasensya kana may nangyare ba kagabi? N-nakakalimot kasi ako kapag lasing hehe"dagdag ko pa ulit.
Im dead serious. Sa isang banda ay medyo totoong wala na akong maalala. after he kissed me again at wala naman akong ibang maramdaman sa katawan ko at kumoleto pa rin ang suit ko kaya siguradong hindi pa sumuko ang bataan.
"We had s*x"diretsong sabi nya.
ANO DAW?!
"Hoy wala akong naaalalang nagsex tayong kumag ka! Kiss lang yun! Kiss!"diretsong sabi ko. Dahilan para mapatakip ako sa bunganga ko.
Nahuli nya ako!!! He's now playfully smiling at me.
Bobo mo Olivia!
"Gotcha baby"he said while laughing umupo na ulit sya sa kama nya. At nag inat inat.
Dahan dahan naman syang lumapit saakin. Yung parang susugurin nya ako.
Napahawak naman ako sa unan . At akmang ibabato sakanya.
"Uwaaaaaaah!!!!! TULONG!!!!"tili ko. Dahan dahan pa ulit syang lumapit saakin kaya susuntukin ko dapat sya. Pero nahawakan nya ang kamay ko at .
Isa pang kamay at ikinulong ako sa mga bisig nya kaya napahiga ako sa kama.
"H'wag please virgin pa ako"Pagdadahilan ko.
Sure akong walang nangyare saamin dahil buo parin ang damit ko. Walang masakit sa katawan ko.
Pero ang kinakatakot ko. Baka ngayon nya ako pagsamantalahan!!
Ngayon palang. Nagsisisi na akong ginusto kong madiligan! Hindi ko pa pala kaya!!!!
Dahan dahan naman nyang inilapit ang mukha saakin kaya. No choice ako kundi ang pumikit.
"So , anong balak mo after mo 'kong tulugan kagabi? Will You cook for me?"tanong pa nya. Atsaka tumawa ng malakas. Nakahanap naman ako ng tiyempo para masipa ang Tender juicy nya!
"S-s**t"namimilipit nyang sabi.
Time to escape!!!
Uwaaaaaaa! Dali dali akong tumayo at kinuha ang bag ko saka nagtatakbo papalabas.
Pababa palang sana ako ng hagdan ng may pamilyar na boses ang tumawag saakin.
"Maam Olivia?"s**t. Hindi na sana ako lilingon dahil alam kong estudyante ko 'yon.
"Maam , Ako to si Bagonon"I was about to run ng marinig ko ang boses nung lalakeng yun.
Sumisigaw sya!!!
Napuruhan ko ata!!
"Maam ikaw pala ang Gf ni kuya?"tanong nya pa. Pero ngumiti nalang ako sakanya. Dahil nga sa nakita na nito ang mukha ko.
"Aalis na ako bagonon"awkward na sabi ko sakanya. Napatango naman sya saakin.
Even though may guards sa bahay nila ay nginitian lamang ako ng mga ito at pinayagang lumabas!
Myghaddd natatakot ako sa kumag na yun! Oo gwapo sya. Pero feel ko mamanyakin nya ako!
In Just one night muntik ko ng maiwala ang bataan ko! Take note! Nakuha nya na ang first kiss ko! Double kill pala kung nagkataon!
Yare ka talaga sakin Baron pag nakita kita!!!!
I easily grab a taxi. Kaya dali dali akong makakauwi. Wth right? Buti nalang at linggo walang klase.
Nahihiya ako kay Bagonon.
Ryle Bagonon to be exact. Pavirgin pa ako noong pinagalitan ko sila ni Peralta tapos ito ako ngayon?
Makikita nya na kasakasama ng kuya nya sa iisang kwarto!!!
Nakakaloka!!?
Ni hindi ko nga alam pangalan ng kuya nya at kung sino ito! Pero ano? Ang landi ko sumama pa rin ako!
Am I desperate enough?!
Tumunog ang cellphone ko. Tanda ng may tumatawag and to my surprise si Baron bakla ito!
"Hi Babaita! Kamusta ang unang araw bilang hindi na virgin?"tanong nya pa.
"Swerte ng first time mo baks ah! Sundalo pa talaga Daks ba?"tuloy tuloy na tanong nya. narinig ko ang pagtawa nya mula sa kabilang Linya.
Sundalo pala 'yon?!
"Baks?"tanong nya pa sa kabilang linya. Huminga muna ako ng malalim. Saka sinimulang magsalita!
"HINAYUPAK KANG BAKLITANG MACHO KA!"sigaw ko sakanya."Sundalo pala 'yon paano kung anong nagawa sa'kin non dahil hindi ako pumayag makipagsex sakanya! Ha?! Walanghiya ka talaga sasabunutan kita pag nakita kita!"sigaw ko sakanya.
Pero laking gulat ko ng maubo si manong driver.
Whoooo. Napahiya nanaman ako!
"Huy , Babaita ka! Hindi ako ang nagsabeng sumama ka sakanya! At isa pa hinanap kita kagabi nagulat nga ako at nawala ka na lang bigla eh. Kaya wag ako sisihin mo"Aniya pa. I feel guilty tuloy.
Ako naman kasi talaga ang nagkusang sumama. Pero kasi tinitrigger nya din kasi ako kakaasar saakin e!
"S-sorry baks!"sabi ko. I heard him laughed.
"Oks lang! Pero sayang ah wala talagang nangyare?!"tanong nya pa.
"Kiss lang"nahihiyang sagot ko.
Napansin kong napalingon saakin si Manong. Parang naiiling pa nga sya e. Uwaaah.
"Mabait talaga 'yang kaibigan ni Kenny! Pero wow ha! Atleast nakatikim kana ng Lips"aniya pa. Habang tumatawa!
Palibhasa ginagawa nila ni Kenny lagi eh!
Si kenny at si Barbie great diba?
Jowa jowain nya rin kasi ito.
Yung kasama nya kagabi.
"Hindi ka talaga diniligan? Sayang baks !"ulit nya pa kaya nailing malang rin ako.
"Bakla rin kasi sya"natatawang sabi ko.
"Oy, Hindi shuding 'yan. Nagulat na nga lang daw si Kenny ko na gusto nyang sumama eh ayaw daw nyan sa mga bakla. Si kenny kasi Bi. Lang hindi kagaya namin. Straight gay"tawa pa nya.
Sundalo din kasi ang kenny nya na nagladlad nung nakapagsundalo na!
"Oo na dami mong say!"sabi ko pa. Ang sakit sakit ng ulo ko.
Hangover pa!
"Teka , alam mo ba ang pangalan nya?"tanong pa nito.
Napatigil naman ako.
Shookt! Hindi ko alam !
"Oh d'ba tama ako!"he laughed."Si Landon 'yan! Sayang talaga sana ako nalang ang isinama nya!"malanding sabi pa nito. I rolled my eyes kahit hindi pa ako nakikita nito.
Pero nakakatuwang isipin na todo landian kami kagabi pero hindi ko man lang alam ang pangalan nya!
Landon hmm. Great name.
"Pero kundi sya bakla . Bakit kaakbay nya yung isang ba--"
"Pinsan nya 'yon! Kilala ni Kenny. Kaya mga sumama aya diba? Baliw ka talaga damiong iniisip!"aniya pa.
"Ewan ko sayo! Osige na! Palowbat na ako!"with that nagpaalam na ako atsaka sumuksok sa gilid ng Taxi.
After an hour ay nakauwi narin ako. Mula sa labas ng bahay ay rinig na rinig ko amg sigawan mi kuya at asawa nya.
Maliit lang ang bahay namin pero hindi naman maituturing na sobrang liit. Lung tutuusin ay medyo napalaki narin namin ito ni Martha.
"Susmiyo naman Joey! Ano?! San mo nanaman ba ginastos ang pera!? Sige nga anong ipambibili mo ng gatas ni Potpot?!"tanong ng hipag kong si Sabrina. He is looking at kuya habang nakaupo ito sa may hagdan.
Kauuwi lang din ni sabrina galing sa nightshift sa callcenter.
Nagmano naman ako kay Mama. Tahimik lang syang nagmamasid sa dalawa. Bawala na rin kaisng masyadong mastress si Mama dahil may sakit sya sa puso.
"Olivia , Maaari bang awatin mo na ang kuya mo at ang asawa nya?"mahinahong tanong ni Mama. Tumango na lang ako at ngumiti kay Mama.
"Opo"ngiti ko nalang mabuti nalang ay hindi ja ito nagtanong kung bakit wala ako kagabi.
"Kuya"bati ko sakanya nakatitig lang saakin si Sabrina.
Inabot ko ang isang libo kay kuya.
"'yan na ang utang ko sa'yo . Pasensya na ngayon ko lang nabayaran ate sabrina. Pinautang kasi ako ni kuya"pagtatakip ko pa. Napahawak naman sa noo si Sabrina.
"T-totoo ba 'yon Joey?"tanong nito. Tinitigan ko naman si kuya at sinensyasan ng palihim.
Para matapos narin ang daldalan at ingay nilang dalawa.
"Ah oo hehe. Nashort kasi sya"ani pa nito.
"P-pasensya na. Naguguluhan lang kasi ako sa kuya mo. Puro alak kasi ang inatatupag kaya akala ko nagastos nya nanaman sa kung ano."nginitian ko na lamang sya.
"Okay lang"With that ay umakyat na ako sa itaas. Nagulat naman ako ng nakita kong nakaabang na si Martha sa tapat ng kwarto ko.
"Kinunsinte mo nanaman ate. Kaya hindi natututo eh"napangiti nalang ako.
"Kuya pa din natin 'yon Martha. Saka para sa mga pamangkin mo rin naman 'yon hindi ba?"napangiwi naman si Martha sa sinabi ko. At umiling.
"Ate! Kaya ka tinitake for granted kasi Oo ka lang ng Oo--"
"Sino ba ang mas matanda saatin?"tanong ko. Dahil hindi ko maintindihan kung bakit ganyan sya magsalita saakin.
Napatahimik naman sya at muling napangiwi.
"Tandaan mo ako parin ang ate mo. H'wag mokong sagutin na parang ikaw dapat ang nasusunod"saad ko pa.
Iyan ang problema kay Martha. She always think na sya ang tama. She never consider other opinions.
"Bahala ka nga d'yan te. Drama mo!"Napa tsk. Nalang ako sa kabastusan ng kapatid ko.
After I sacrificed the opportunity at pangarap ko na maging doctor noon para lang sya ang makapagnursing at ang pagttrabaho ko para maituwid ang pag aaral nya. Dahil narin sa hirap ng buhay at ngayong tapos na sya mapangmata na sya ng tao?!
Gaganituhin nya nalang ako?
Pagkapasok na pagkapasok ko ng kwarto ko ay agad akong naglock ng pinto at doon ibinuga ang pag iyak ko.
Seryoso?! Ginawa ko naman ang lahat pero wala parin akong makuhang kapalit sakanila?!
Or kahit thankyou or respeto man lang?!
Halos matuyo na nga ang keps ko kasi sila lang ang iniisip ko tapos ano?! Ganito ganitohin lang nila ako?!
I was about to jump over my bed at magdabog when my phone beeps.
From : Soon to be Boyfriend ko.
Hi. Nakauwi kana ba? Sinave ko na number ko. Im Landon by the way. Muntik mo na akong mapatay kanina! Pero dont worry okay naman na ako. Haha! Anyways Teacher ka pala ng kapatid ko ano? Kailan mo ba ako ipagluluto? Madaldal pa naman ako. Pwede akong magkwento sa kapatid ko. Your choice :)
Nabitawan ko ang Cellphone ko.
Uwaaa! Wala nabang imamalas ang araw na ito?!