Kabanata 9

2136 Words

"May nararamdaman ako sa iyo Juanna. Ngunit natatakot ako dahil baka hindi mo ako matanggap at tanging pag kakaibigan lamang ang iyong tingin saakin. Hindi ko alam kung saan at paano nag simula ang nararamdaman kong ito para sa iyo. Ngunit ang sabi ni Ina ay sundin ko ang puso ko kayat heto ako't nag lalakas loob na mag tapat sa iyo. Mahal na ata kita Juanna." Napa kurap-kurap ako at napangiti sa narinig ko mula sakanya. Walang mapag sidlan ang tuwang nararamdaman ko ngayon. Ang akala ko ako ang mag i-initiate at unang mag ko-confess. "Wa.. wala ka bang sasabihin? Hindi mo ba tanggapin ang aking pag sinta?" Napabalik ako sa sarili ko ng biglang mag tanong si Elias. Halatang kinakabahan sya sa isasagot ko sakanya. Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi at pinilit syang tumingin saakin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD