Pinagdugtong dugtong ko ang mga kumot na nasa kama. Then tinanggal ko din ang kurtina para humaba ang tali na ginawa ko. Umabot sya hanggang sa lapag. Nagtanggal ako ng tsinelas sa paa ko. Then inakyat ko ang bintana. "Oh my." napapikit ako ng tumanaw ako sa ibaba. Bigla ako nakadama ng lula at umatras ako. "Kaya mo to Jela." I said to myself at muling umakyat sa bintana. Humawak akong mabuti sa kumot. At dahan dahan inabot ng paa ko ang kakapitan ko. Nagpatuloy ako sa pagbaba, pero nanatili akong tahimik para di ako marinig ni Jared. Wala akong dala kundi sarili ko lang. Bahala na, ang mahalaga makatakas ako. "You can do this." pinalalakas ko ang loob ko habang bumababa ako. Kinakabahan ako baka malaglag ako. Pero nanatili akong nakahawak sa kumot hanggang makababa ako. JELA!!!

