JELA's POV Binaba ako ng taxi sa isang high class restaurant. Kaunti lang ang tao sa loob dahil sa reservations. Nahihiwagaan tuloy ako sa kausap ni Jared. Pumasok ako sa loob. Nagmasid masid kung nasaan si Jared. Kinakabahan ako at natatakot. Halo halong pakiramdam ko habang hinahanap ko sya at ang kausap nya. "Huh. Nakita ko si Jared na papunta sa isang table. Wala pa ang kikitain nya kaya't naupo sya. Naisipan kong lumipat ng table para mas marinig ko sila ng kausap nya. May divider sa pagitan ng tables kaya hindi ako makikita. Dun ko naisipan maupo. May lumapit sa akin waiter at humingi ng order ko. Then umalis din agad. Maya maya may narinig akong upuan na umusog. Nakikinig lang ako mula sa kabilang lamesa. Then I heard someone speaking.. "Ano'ng gusto mong pag usapan?" Halos w

