CHAPTER 15: SUZY

2035 Words
CHAPTER 15: SUZY I don’t how and when was Leo arrived there, but I am very thankful to him. He hadn’t even arrived earlier, but I am still thankful because he come. And now, he’s carrying me in his arms. Sanay na akong nagiging sentro ng atensyon ngunit sa pagkakataong ito ay gusto ko na lang maglaho sa paningin ng lahat habang karga-karga ako ni Leo. Nahihiya ako, oo. At kung bakit ako nahihiya ay hindi ko alam. Siguro ay dahil iyon sa kaalamang nasa amin ang atensyon ng lahat. Lalo na’t ang hall na kinaroroonan ng comfort room ay daanan ng mga estudyante. Nasa dulo ang comfort room at ilang distansya lamang ay mga silid na. Kaya naman hindi na nakakapag-takang maraming tambay sa hall. Pagdating sa maliit na clinic ng eswkwelahan ay dahan-dahan akong inilapag ni Leo sa clinic bed. Pagkadapo ng aking paningin sa aking tuhod ay napangiwi na lang ako. Dahil sa maputi kung balat ay naging mabilis ang paglabas ng pasa doon. Ngunit ang talagang masakit ay ang buto nito. “Thank you, Leo,” mahinang bulong ko. “But you have to go back on your class now,” “No. I will stay here—” “No.” matigas kong sabi. “I don’t want you to leave your class just for me. Tin will stay. B-Balik ka na lang mamaya,” “Are you sure?” “Yes,” matapang kong sagot. “Alright. But we will talk later,” Napakagat ako sa ibabang labi ko at tsaka tumango. Hindi ko alam kung saan tungkol ang pag-uusapan namin pero bahala na. Sa ngayon ay ayaw ko siyang lumiban sa kaniyang klase. I have heard enough about him being serious to his academics. I have witnessed enough about him being one of the top students in this school. Not just in his class, but in this whole school. Na maging sa karatig bayan ay kilala ang pangalan ni Leo sa kanilang mga eskwelahan. Pagkalabas na pagkalabas ni Leo sa clinic ay matunog akong napabuntong-hininga. Ganoon din si Tin at tsaka siya tumingin sa aking gawi. Napapikit ako ng masuyong sinuri ng nurse ang aking tuhod at tsaka ito nagsalit. Ngunit hinila na ako ng pagod siguro kung kaya’t nakahimbing na ako. Pagkagising ko ay eksaktong tumunog ang batingting ng eskwelahan. Nangangahulugang oras na ng uwian. Dahan-dahan akong bumangon at mabilis kong naramdaman ang sakit sa aking tuhod. Nang tumingin naman sa sulok ay naroon si Tin at nahihimbing din. I feel sorry for her. Pakiramdam ko ay dahil sa akin kaya ay nadadamay siya. But what I can do? I can’t unfriend her. She’s too precious for me to lose. Minsan lang akong makakilala ng katulad niyang kaibigan kung kaya’t hindi ko ito sasayangin. All I can do for her is to always protect her. “Kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong ni Leo na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala. Sasagot na sana ako ng makuha ng isang pigura ng tao ang atensyon ko. Palihim akong nagulat ng makita si Erik na pumasok din sa clinic. Pero nabalik kay Leo ang aking paningin ng tumikhim ito. “Maayos na. Masakit lang ang tuhod ko,” “Paano ka makakauwi niyan?” tanong ni Tin na kakagising lamang. Napatingin ako sa kaniya at kitang-kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata ng makita si Erik sa loob. “I can walk,” sagot ko kahit imposible. “I will carry you. You can’t walk at your state right now,” si Leo. “Sang-ayon ako roon,” ani ni Tin. “Naligaw ka yata, Erik?” tanong niyang may kasamang ngisi. Kung bakit sa lahat ay si Erik lamang ang hindi niya tinatawag ng kuya. “Sabihin na nating ganoon nga,” sagot naman ni Erik. “Kay bigat ng bag mo,” komento niya at parehas kaming napatingin ni Tin sa bitbit niyang bag. Bag iyon ni Tin. Habang ang bag ko ay nasa balikat ni Leo. Sandali pa kaming namalagi sa clinic hanggang sa dumating ang nurse at pagayan na kaming makaalis. Mahigpit ang kaniyang payo na huwag kong ipwersa ang aking tuhod kong ayaw kong mauwi iyon sa knee injury. Aniya ay Malaki ang tendency na mauuwi ito sa knee injury dahil sensitibo ang aking buto at ang pagkakatama nito sa sahig ay deretsong impact sa buto. Kaya naman ay wala na akong nagawa pang pag-angal ng muling sabihin ni Leo na kakargahin niya ako. Si Tin naman ang nagbitbit sa aking bag dahil magaan lang iyon. Habang ang bag niya ay bitbit ni Erik dahil mabigat iyon at hindi pumayag si Erik na bitbitin ni Tin iyon. Habang nasa daan ay hindi natitigil ang dalawa sa pagsasagutan. Kung paanong ganito kalakas ang loob ni Tin kay Erik ay hindi ko alam. She looks fierce in Erik’s presence. “What happened earlier, Sierra?” mahinahon ngunit may diing tanong ni Leo. Napabuntong-hininga ako. He is carrying me at his back. “I just miscalculated my step.” “Do you want me to believe that?” tanong niyang nagphinto sa akin. “I’ve been your trainer for three years, Sierra. At isang bagay na napansin ko sa’yo ay ang pagiging maingat mo. You always observe,” It’s true. I was observant. At iyon ang ginawa ko kanina. Ngunit mali pala ang parting inobserbahan ko. I was being too observant on Irene and to her friends that I forgot about what’s in front of me. Paano na lang kung si Tin ang naunang lumabas at sa kaniya nangyari ito? I cannot forgive myself if that happens. “I was not being too observant earlier,” “Try harder,” he mocks. “Bakit ba hindi ka naniniwala?” “Dahil wala ni isang salita sa mga sagot mo ang nakakapag-kumbinsi sa akin,” “Bahala ka. Basta ay nagsasabi ako ng totoo,” “It’s Irene’s fault—” malakas ang tinig na sabi ni Tin na mabilis ding natigilan ng huminto si Leo. “Don’t you ever lie, Tin. I have heard you clear. How it becomes Irene’s fault?” tanong ni Leo na humarap na rito. Tin is the kind of person who can’t lie on the spot. Magaling siyang magtago ng sekreto pero hindi siya magaling magsinungaling. At ngayon pa lang ay nasisiguro kong mabubuko na ang ilang taon naming tinago. Napayuko na lang ako ng tuluyan ng magsalita si Tin. Mula sa pinaka simula hanggang sa nangyari kanina. Wala naman ni isa kina Erik at Leo ang nagsalita matapos ang mga isiniwalat ni Tin. Napabuntong-hininga at napaiwas ng tingin si Erik habang si Leo ay nanatiling tahimik hanggang sa nag-aya na itong magpatuloy na kami sa paglalakad. Gusto kong magsalita ngunit napipilan na ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Paano kung hindi siya naniniwala sa sinabi ni Tin? Mas matagal niyang kilala si Irene kumpara sa akin o kay Tin man siguro. Kaya imbes na magsalita ay nanahimik na lang din ako. At nang makatapat kami sa gitna ay nagpaalam si Erik na magkita na lamang sila ni Leo sa arko at siya ng bahalang maghatid kay Tin. Kaya naman ay ganoon din si Leo sa akin. “S-Salamat,” pasasalamat ko ng maingat niya akong maiupo sa sala. “Uuwi na ako. Sundin mo ang bilin ng nurse,” kalmado niyang sabi bago magpaalam sa magulang at lola’t lolo ko. I watch him walks away until he’s gone to my eyesight. I sigh deeply and just let myself fall on our couch. Sa inasta niya ay lalo lang lumakas ang kutob kong hindi siya naniniwala sa mga siniwalat ni Tin. Alam ko at sigurado akong si Irene ang paniniwalaan niya sapagka’t matagal na niya itong kilala. Nawala ang iniisip ko ng marinig ko na ang sermon nila Lola sa akin. Nagtanong sila kung anong nangyari ngunit kaya ng sinagot ko kay Leo ay ganoon din ang isinagot ko sa kanila. Ayaw ko ng maging ang magulang ko ay lumusob sa eskwelahan at pagalitan si Irene. In the eyes of everyone, I am a brat. Isang dalagitang matapobre na nakukuha ang lahat ng gusto. But no. Hindi ako ganoon. Hindi man halata ngunit may kabaitan din akong taglay. “Mabuti na lang talaga at wala masyadong ginagawa sa klase tuwing Friday. Wala kang gaanong namiss,” saad ni Tin na nasa kwarto ko ngayon. “Si Kuya Leo lang ang sure na namiss mo,” Imbes na pansinin ang sinabi niya ay inignora ko na lang iyon. “You call Leo kuya. Pero si Erik ay hindi. Why is that?” Umingos si Tin. “Remember noong unang araw na tinulungan ako ni Kuya Leo, bago ko siya makita ay si Erik muna ang nakita ko. But he just ignores me. So, he doesn’t deserve me calling him kuya,” paliwanag niya. “Pero sige, para hindi ka maloka ay Leo na lang din itatawag ko kay Leo. Is it okay with you?” tanong niya kaya mabilis ko siyang nahampas. “Maalala ko. Noong hinatid ka ni Erik noong nakaraang araw. Wala ba siyang sinabing against sa’yo at sa mga inamin mong ginawa ni Irene sa akin?” “Wala. Ipinaulit pa nga niya eh,” sabay irap niya. “Pero nasabi niyang hindi niya magawan maniwala ng buo dahil nga ay kababata nila siya. And they never saw her being bad to someone,” “Anong sagot mo?” “Sabi ko, paano niyo makikita eh, patago?” with matching edge tone. “Then he looks at me with daggers. Pero hindi ako natakot,” “I think, Leo thinks the same with Erik,” saad ko. “He didn’t say anything after that confession of yours. Basta ay binilin lang niya ako at tsaka na nagpaalam,” “It’s not our problem anymore, Era. All I just did is to tell them the truth. It’s up to them if they will believe us or not,” “I know. But Irene is their childhood friend,” “That’s why they are being blinded by her true personality,” mataray niyang sabi. “They almost block me earlier,” “What?” “Relax,” she said. “Almost. Just almost lang dahil dumating si Ate Suzy,” “Suzy? As in Suzy Ramero? That pretty girl in their batch?” She nodded. “That’s why Irene acted as if she’s just asking me about you. But I know better. Mabuti na lang talaga at dumating si Ate Suzy.” If Irene is a witch. Well, there is still someone who’s kind to me on their batch, especially on the girls in their batch. I don’t why the girls in their batch hated me. I could still remember that they always send daggers to me through their eyes whenever Leo and I ate together in lunch or go home together. From that, none of the girls in their batch becomes nice to me. Not until Suzy. At first, I thought, her kindness is just a façade. But as time goes by, her kindness never changes towards me and Tin. From then, she’s the only girl in Leo’s batch who I am close with. But she’s like a feather. She’s not always in the crowd. Paminsan-minsan ko lang siyang makaharap at makita. What I have heard about her is that she’s a bit of, introverted person. Like Leo, she is also a top student, but she never looks at Leo as a competitor. Leo had already mentioned her to me, and he said that Suzy is indeed a kind person. Very approaching, soft but also independent. “Actually, she heard what happened to you. And she’s asking if how you are,” Tin said. “She went to the clinic that day, but she told me that we are both sleeping. So, she didn’t wake us up,” “Well go to her on Monday,” I said because today is the weekend. “Do you know that Suzy was from Hill village too? But her family decided to live here in the lowland than in the mountain. She was once Irene’s bestfriend,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD