CHAPTER 16: SUNSET

2126 Words
CHAPTER 16: SUNSET I teach myself not to expect something. But here I am, in my window, looking at the beautiful mountain as I wait for…Leo. As I wait for Leo to visit me. It’s already Sunday. One day of the weekend had passed but Leo is still not visiting me. I know that I shouldn’t wait for him to visit me, but my reprehensible heart is just…expecting too much. I sigh and stare at the mountain again. He also didn’t call me. Not even to text me. I should stop expecting from him, but I just can’t. He didn’t promise me that he will visit or check up on me but…I close my fist and sighs deeply again. This is what happens when you expect too much. Muli pa akong nagpakawala ng buntong-hininga bago ko mapagpasyahang umalis na sa tapat ng bintana at tsaka na lang humilata sa aking kama. Imbes na ang isipin ko ay ang tuhod ko o kaya ay si Irene pero walang ibang laman ang utak ko kundi si Leo. Kung ano man ang kaniyang ginagawa ay siguradong kanina pa siyang namamali dahil siya ang laman ng isip ko. Halos walang segundong hindi siya sumagi sa isipan ko. Ni hindi na nga niya nililisan ang isip ko. Napatitig na lang ako sa kisame. Is this being what granny wants me to believe? That Leo likes me? That I am special to him? If I am, then why he’s not here? Then why he’s not visiting me? I swallowed hard. Tama lang bang hindi ako buong pusong naniwala na may gusto siya sa akin? Tama lang bang nagdududa ako kung totoo iyon? Tama lang ba ang ginawa ko? Tama lang bang ng sa ganoon ay hindi ako labis na nasasaktan ngayon? Well, I guess, it’s right. When you expect less, you’ll get hurt less. “Sweetheart, it’s dinner time,” that fast? I ask mentally after hearing Mom’s voice. “Coming, Mom,” I answered in a raspy voice. Mabilis akong napasilip sa labas at nakitang madilim na nga. Ganoon kahaba ang naging pagtulog ko? O dahil ay pagod lang ako kakaisip kaya naman ay napasarap ang tulog? Alin man sa dalawa ay hindi bale na. Ang importante ay nakatulog ako ng maayos. Sandali pa akong nagmuni-muni bago na tuluyang lumabas ng silid ko. Sa loob ng halos tatlong araw ay maayos-ayos naman na akong nakaka-hakbang. Pwede na rin akong pumasok sa eskwela bukas at…at…Mabilis kong ipinikit ang aking mata at mabilis siyang inalis sa isipan ko. Kahit ngayon man lang sana ay makapag-pahinga ang isipan ko sa kaniya. Pagdating sa hapag-kainan ay inalalayan na ako ni Lolo na makaupo. I smiled and thanked him. Mula noon hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang pag-aasikaso nila sa akin. Maging sina Mama at Papa ay ganoon din. Pero mula ng maging chief park ranger si Papa ng station 1 ay bihira na lamang siyang makauwi sa amin. Pag umuwi naman ay madalas lang siyang nagpapahinga at natutulog. The line of his work needs his whole attention. Lalo na tuwing peak season ng tourist sa lugar kung saan maraming mga pasaway na hiker. I have been in their station once and everyone there was busy with their work. Mayroon din naman silang break but they spend it in climbing the mountain. They always roam around the mountain. Patrol there and check the hikers, as well as protect the mountain. Which I admire and envies at the same time. I always call them the soldier of the mountain. “Sigurado ka bang kaya mo ng pumasok?” tanong ni Mama ng ihatid niya ako sa aking silid. “Yes, Mom.” Mom smiled warmly and caresses my hair. “You changed a lot. You changed in a positive way. You grow beautifully,” “Because you raise me perfectly,” “No. I just raise you rightly. And the half was made by you,” she said. “Hindi ko nan ga makita ang pagiging maldita mo. Hindi kana rin madalas makipag-negotiate sa amin to have a reward. You are all grown up now. And I think, the provincial life molds you also,” “Siguro, Mom. Pero nami-miss ko pa rin ang syudad. And truth to be told, I still want rewards, Mom. Hindi nga lang palagi,” “Always remember this, sweetheart. Hindi man kami ang makapag-bigay reward sa’yo, the man above will be the one to give you reward in every right thing you do. At ganoon din sa pagkakamali. Hindi man kami ang magbigay parusa sa’y, ang poong maykapal ang magpaparusa sa’yo sa bawat maling gagawin mo.” “I will keep that in mind, Mom.” “Good, sweetheart. And one last thing,” habol niya. “Ang poong maykapal din lang ang mananatili sa tabi sa oras na iwan ka ng lahat sa paligid mo. So, never turn your back on him.” Mom’s words hit me right straight in the hearts. Maldita, maarte o brat man ako sa paningin ng iba. O ganoon man akong lumaki, I still know him. And I always pray in him. Kaya naman ng gabi ring iyon ay ipinarating ang panalangin na sana’y masagot na ang bumabagabag sa akin. At iyon ay kung ano ang katotohanan. At kung ano ang dapat kong paniwalaan. Nais kong malaman ang katotohanan sa kung ano ang estado ko sa buhay ni Leo. At kung ano paniniwalaan ko. Ang sinabi ni granny na gusto niya ako. O ang iniisip kong kapatid lang ang turing niya sa akin? Alam kong bata pa ako para sa mga bagay na ito. But love has no age, right? At ano mang edad mo ay makakaranas ka ng pag-ibig. At ang akin ay naranasan ko sa murang edad. And as early as it is, I want to know the truth. Nang sa ganoon ay malaman ko na kung dapat pa ba akong umasa o…huminto na. “Good morning,” Leo greeted me when I reach the gate. “Good morning,” I greeted back. “Sigurado kang kaya mo na?” mahinahon niyang tanong. “Kaya ko na,” sagot ko. “Let’s go then,” aniya at tsaka na umangkas sa bisikleta kaya ay sumunod na rin akong umangkas. “I’m sorry for not visiting you during weekend,” he apologizes. My heart pounded. “It’s okay,” “I fix something,” aniya. “Kaya hindi ako nakabisita,” “It’s okay,” I said casually. “Babawi ako,” sambit niya kaya naman ay napalingon sa kaniyang likod. As if I was looking at his face. “You don’t have to. Hindi mo naman obligasyon na bisitahin ako. Malaking bagay na iyong tinulungan mo ako,” “For you, it’s already enough. But not for me,” “You are inserting too much effort on me. Sanay na tuloy ako,” pasaring ko. “Is it a bad thing? Do you feel like it’s wrong that you're used to me, inserting efforts for you?” Tipid akong napangiti. “Yes. Dahil baka biglang dumating ‘yong araw na huminto ka.” “Do you think that…that time will come?” tanong niya ay tila may lungkot sa tinig niya. “No one knows what tomorrow holds, Leo.” “But don’t you know that we hold our own tomorrow?” “Kahit hawak pa natin, hindi nating masasabi na ang nais natin talaga ang mangyayari.” Hindi na siya sumagot pa at nanatili na lang na tahimik. Hindi na rin ako umimik pa. I don’t want to act cold towards him, but I just can’t fake what I am feeling. Hindi masama ang pakiramdam ko pero hindi rin maayos. Naging taimtim ang pagdadasal ko kagabi patungkol sa totoong estado ko kay Leo. At nais ko ng sagot doon. Pero gaya ng madalas sabihin ni Mama, may mga hiling na agad sinasagot at may mga hiling na hindi agad nasasagot. Saan man doon mapunta ang hiling ko, ang mahalaga ay malaman ko ang sagot. Pagdating sa eskwelahan ay sinikap kong maglakad mag-isa ng hindi kumakapit kay Leo kahit pa paika-ika ako. Bulgaran akong tinitignan ng mga estudyante, kababaihan ang marami habang papasok kami. Habang si Leo ay nanatili sa tabi ko at alerting umalalay. I roll my eyes when I catch a glance at some girls whispering while looking at me and then at Leo. They are too frank to talk about me. Good thing I’m tired of notices them and sparing them my precious time. I just ignore them and continue walking until I reached our room. But then, I miscalculated my stand to lose my balance. And Leo’s strong arms caught me. My heart pounded loud. Butterflies celebrated and I felt my cheeks burning by the contact. So, I immediately distance myself. “Thank you,” pasasalamat kong hindi tumitingin sa kaniya ng deretso. “I will come here later to fetch you for lunch,” he states, and I was about to decline it, but he continued talking. “Suzy and Tin will join. Maybe Erik as well.” “Alright,” nakakahingang sagot ko. “You are cold to me. And I understand it,” pahabol niya. “Basta ay babawi ako mamaya.” Hindi ko alam kung sa anong paraan siya babawi. Hindi ko na rin inisip pa dahil nakakapagod mag-isip minsan. I listen attentively in the whole class until lunch came. Like what he said, he fetched me. And when we reached the cafeteria, Erik and Suzy were already there. Tin instantly greeted Suzy without looking at Erik, acting like she didn’t see him. When I reach our table, I smiled at Erik and greeted Suzy. Her beautiful smile welcomes me, and she immediately asks how I am while Leo and Erik both stand up to order our lunch. Hindi ko alam kung paanong naging payapa ang tanghalian namin gayong alam kong nasa paligid lang si Irene. Pero mas Mabuti na rin iyon dahil nais ko ring pagpahingain ang sarili ko sa kaniyang presensya. Masyado na rin yata akong napagod sa pag-intindi sa kaniya. Sa lahat pala ng bagay ay may posibilidad na mapagod ka. Na maupos ka. “What are we doing here?” tanong ko ng imbes na lumiko sa daan patungo sa village namin ay dumeretso kami ni Leo sa b****a ng bundok. “I told you, babawi ako,” sagot niya. “That doesn’t answer my question,” mataray kong saad. Leo smiled. “Naipag-paalam na kita sa magulang mo. We will be going to watch the sunset,” “Sunset?” pag-uulit ko at tumango siya. Dahil paika-ika pa ako ay mahihirapan akong makaakyat sa bundok. Kaya naman ay muli akong kinarga ni Leo sa kaniyang likuran paakyat sa bundok. As we climb the mountain, Leo seems not getting tired. Hindi ko makitang hinihingal siya o nahihirapan habang karga-karga ako sa likuran niya. Halatang sanay at batak siya s pag-akyat sa bundok, may dala man o wala. Ilang oras din bago kami makarating sa pwesto nap we-pwestuhan namin para sa panonood sa paglubos ng araw. Nang makarating kami roon ay maingat niya akong ibinaba at ipinaupo sa malaking tipak ng bato na naroon. The calming view of the mountain touch my heart again. This view and these feels will be forever etched in my heart. Pareho kaming tahimi na nakamasid sa kalangitan, inaantay ang pagbaba ng araw hanggang sa mangyari na iyon. Malawak ang ngiti kong pinanood ang pagpapalit ng kulay ng kalangitan mula sa asul na naging kulay kahel na. Kay gandang pagmasdan ng paglubog araw. The sunset gives you different emotion as you watch it. You can see that it’s beautiful. Yet it still feels sad. But its beauty outsmarts the sad feeling. Indeed, sunsets symbolize that the ending can be beautiful too. Paglingon ko kay Leo ay mataimtim siyang nakatitig sa akin. There is something in his eyes that is very familiar to me. Admiration. He is looking at me like he is admiring the mountain. The sunrise and the sunset. Aside from admiration, I could also see another emotion there. But I can’t name it. Naroon iyon sa kaniyang mga mata ngunit bigla lang nawawala. As if Leo is afraid that I will catch that emotion. Dahan-dahan siyang tumayo at tsaka lumapit sa akin. He kneels in front of me so our face could level with each other. Tsaka siya masuyong ngumiti. “I want to say this in your legal age. But I can’t stand your coldness and doubts,” he started and reach for my hand. He then holds it tight as he looks straight into my eyes. “Sierra, granny is right,” he said. “I like you. I like you, Sierra.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD