
CMRB#1: Intruder
GILL's P.O.V
"Yung totoo? Wala ka bang balak magboyfriend!?"
Sigaw sakin ni Kuya Gin. Napailing nalang ako.
"Kuya magmamadre nga ako diba?" Seryosong sabi ko sa kanya.
Napatawa naman ito ng malakas. Gusto ko na siyang batukan sa sobrang lakas ng tawa niya.
"Ikaw? Magmamadre? Pinapatawa mo ko kapatid!" Binato ko namam siya ng throw pillow.
"Sorry sorry. Pero seryoso?"
"Hindi Kuya Joke lang! " sarkastikong sabi ko. Napaseryoso naman ang mukha nito.
"Ilang taon ka na ulit?" Tanong nito saakin. Napataas ang kaliwang kilay ko. Ano to? Ako kapatI'd hindi alam kung ilang taon na ko?
"21" bored na sabi ko.
Napaisip naman ito saglit. Tapos kalaunan ay napangiti ng nakakatakot. Kinilabutan naman ako.
"Pwede na. " bulong nito pero narinig ko naman.
"Anong pwede na?" Tanong ko dito.
"Pwede ka ng magasawa!" Tatawa tawang sabi nito. Binato ko ulit siya ng throw pillow.
"Joke lang kapatid. Pero gusto ko ng magkapamangkin e! " parang batang sabi nito.
"Gusto mo lang! Wala akong pake!" Sigaw ko dito.
"Pero kapatid. Kahit isa lang a! Hahanap kita asawa! Marami akong kakilala mga gwapo!" Ngingiti ngiting sabi ni Kuya.
"Panget mo talaga Kuya! Bahala ka nga dyan! "
Nagdadabog na sabi ko at tinungo ang kusina kung saan nandun si Mommy.
"Nagaway nanaman kayo?"
Bungad sakin ni mama pagpasok ko ng kusina.
"Kasi si Kuya e! Magasawa na daw ako" nakasimangot na sabi ko kay Mommy.
"Hayaan mo na yun. Wala kasing Girlfriend kaya ganun" natawa naman ako sa sinabi ni Mommy.
Nagpaalam na ako sa kanya at pumunta sa kwarto.
Nadaanan ko pa si Kuya na may kausap sa cellphone. Napatingin siya sakin at nginitian ako. Inirapan ko lang siya.
Pagpasok ko sa kwarto ay nilock ko kaagad ito.
Pumunta ako sa closet at nilabas ang pantulog ko. Maliligo
