Kabanata 50 Noong sumunod na araw ay tinanghali ako ng gising. Nataranta ako nang makita ang oras. Alas-nuwebe na. Mamayang alas-tres ng hapon ang kasal namin ni King Tyron. Hindi naman ako masyadong napuyat kagabi pero tinanghali parin ako ng gising. Nang makapaghilamos ako sa sarili kong banyo ay agad akong lumabas sa kwarto ko. Nang makababa ako sa hagdan ay nakita ko ang tatlong babae na naglilinis sa salas. Kung hindi ako nagkakamali ay sila yung mga pamangkin ni Mang Lano. Ang dalawa ay may asawa narin at ang isa naman ay dalaga pa. Hinanap ko si King Tyron sa paligid pero hindi ko siya makita. Matapos kong batiin ang tatlong babae ay nagtungo agad ako sa kusina. Pero bigo akong makita si Tyron doon. Ang tangi ko lang nakita ay si Aling Ising at ilang mga babaeng residente sa i

