Kabanata 49

3967 Words

Kabanata 49 "Hera" Napatigil ako sa akmang pagbaba sa kotse nang bigla akong pigilan ni Mr. Humpy. Mas gusto kong tawagin si King Tyron na Kamahalan pero ipinilit niyang mas gusto niyang tawagin ko siyang Mr. Humpy. Wala naman akong magawa dahil iyon ang gusto niya. "Hera" muli niyang tawag sa akin. Kunot noo akong lumingon sa kaniya. Napansin ko ang bagay na nasa kamay niya. Hawak niya ang isang kulay green na tela na parang balabal. Inilahad niya ito sa akin ngunit hindi ko ito kinuha sa kaniya. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. "Aanhin ko iyang balabal?" nalilito kong tanong. "Isuot mo." mahinang sagot niya. Sandali akong tumingin sa labas upang tingnan kung mainit ba ang klima pero nang makita kong malilom ay lubos ang pagtatakang ibinalik ko ang tingin sa kaniya. Ser

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD