Kabanata 48 "Birthday ng anak ni Mang Lano. Gusto mo bang pumunta tayo sa kanila?" Sandaling huminto ako sa paghuhugas ng kamay nang marinig ko ang sinabi ni King Tyron. Tumango ako sa kaniya habang nagtutuyo ng kamay gamit ang maliit na towel. "Oo naman. Anong oras ba tayo pupunta doon?" nilingon ko siya at nginitian. Ngayon pala ang Birthday ni Sam Joy. Ang makulit na bata na anak ni Mang Lano. Naalala ko na naman siya. Noong isang buwan ko pa siya huling nakita. Hindi na kasi siya nakakapunta dito dahil tapos na ang bakasyon nila at nagsimula na ang kanilang klase. Dati ay lagi siyang pumupunta dito para kwentuhan ako ng kung ano ano. Nakakatuwa siya kaya naman lagi akong nalilibang tuwing nandito siya. Lumapit sa akin si King Tyron at hinawakan niya ang aking kamay. "Kaya mo

