Kabanata 47 Natapos na siyang magluto. Pinagmamasdan ko lang siya habang naghahain siya sa lamesa. Nawala ang atensyon ko sa kaniya nang maamoy ko ang mabangong ulam. Napatingin ako sa sinigang na hipon. Napalunok ako ng laway. Hindi ko na napigilan pa at kumuha na agad ako ng kutsara para kumuha ng ulam. Hinipan ko ito at nang lumamig ito ng konti ay kinain ko na agad ang hipon. Habang abala ako sa pagkain ay narinig ko ang tawa ni King Tyron. "Huwag puro ulam. Kumain ka din ng kanin." tumatawang sabi niya habang sinasandukan ako ng kanin. Nang mapansin kong sobrang dami ng inilalagay niya ay pinigilan ko na agad siya. "Tama na. Baka hindi ko maubos ‘yan." Nakangiti na tumigil siya. Umupo na din siya sa harapan ko at nagsandok ng kakainin niya. Iniiwas ko na ang tingin ko sa kan

