Kabanata 46 May 28, 2018 Nilagyan ko ng X mark ang petsa na nasa kalendaryo. Ito ang petsa ngayong araw. Nakasanayan ko nang markahan kada umaga ang bawat araw na lilipas. Nakakatulong kasi ito sa akin. Sa pamamagitan kasi nito ay naalala ko ang date. Nitong mga nakaraang buwan kasi ay naging malilimutin ako. Dala siguro ng pagbubuntis. Tinitigan ko ang kalendaryo at binilang ko kung ilang buwan na kaming nakatira dito. Napakamot ako sa pisngi ko. Grabe, matagal na pala. Ang bilis lang ng panahon. Parang kailan lang ay kakarating lang namin dito. "Anim na buwan." mahinang wika ko sa sarili. Anim na buwan na pala ang lumipas mula noong dinala ako ni King Tyron sa isla na ito. Akalain mo nga naman at naging mabilis ang panahon. Hindi ko inaakala na matuling na palang lumipas ang m

