Kabanata 45 "Mr. Humpy?" naguguluhan kong sambit. "Teka, teka! Bitawan mo ako! Sa pagkakaalam ko ay hindi tayo bati" galit na sigaw ko habang inaalis ang pagkakayakap niya sa akin. Bumitaw naman siya at umayos nang tayo. Galit na tiningnan ko sya habang siya naman ay naguguluhang nakatingin sa akin. "Bakit mahal kong Hera? Hindi ka ba masaya na makita ako?" may lungkot sa tono na tanong ni King Tyron. Eksaherada akong umirap sa kanya at pagkatapos ay pinanlisikan ko sya ng mata. Masaya? Kung alam lang niya na sobra akong nasusura ngayong nakita ko siya. "Tinatanong pa ba yan, ha? Hindi ba obvious? Ayaw kitang makita! Kaya alis! Tumabi ka sa dadaanan ko kung ayaw mong masuntok kita dahil sa sobrang galit ko sayo. " mataray na sigaw ko. Nakatingin lang siya sa akin na para bang wala

