Kabanata 41 Nanginginig ang mga kamay ko habang naglalakad ako palabas sa elevator. Alam kong gusot na ang folder na hawak ko dahil sa kagustuhang pigilan ang panginginig ng aking kamay. Habang kausap ko kanina si Mich ay pinipigilan kong itago ang lahat ng emosyon na nararamdaman ko. Tahimik lang ako na nakaupo sa tabi niya. Imbis na makinig sa sinasabi niya ay iba ang tumatakbo sa aking isip. Tungkol kay Tyron. Tungkol sa kanilang dalawa ng mapapangasawa niya. Totoo ba ang sinabi ni Mich? Ayokong maniwala pero wala naman akong makitang rason upang mag sinungaling siya sa akin. Hanggang sa matapos kaming kumain ni Mich ay iyon lang ang gumugulo sa isip ko. Kinakabahan na tiningnan ko ang double door ng opisina ni Tyron. Sarado ito. Taliwas sa dapat na ayos nito. Ayaw na ayaw ni Boss

